Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang nagtapos nang noontime show na Tahanang Pinakamasaya dahil nagdedebatehan ngayon ang mga netizens patungkol sa TV ratings ng mga noontime shows.
Ayon sa ilang mga solid Kapuso fans na dapat magpasalamat ng malaki ang noontime show na It's Showtime sa GMA network dahil nakatikim sila ng mataas na ratings.
Kaagad naman itong sinagot ng mga Madlang Pipol at Kapamilya fans, na kabaliktaran umamo ang nangyari dahil ang dapat na magpasalamat ay ang GMA Network dahil kung hindi nila pinalipat sa kanilang network ang noontime show ay hindi nila matatalo ang namamayagpag na Eat Bulaga sa TV5.
Hindi rin umano sisigla ang noontime slot ng GMA7 kung hindi napunta roon ang It's Showtime at hindi sisigla muli ang kanilang timeslot kagaya na lamang sa nangyari sa napasarang Tahanang Pinakamasaya.
Ibig sabihin lamang nito, na content ang siyang dahilan kung bakit tumaas ang rating.
Sa pagtaas ng rating ng It's Showtime sa GMA network marami ang napapatanong kung bakit hindi ginawan ng paraan ng GMA7 na pataasin noon ang ratings ng Tahanang Pinakamasaya.
Iginiit pa ng maraming mga netizens na walang silbi ang mataas na reach kung pangit naman ang show at napupuno ng kontrobersiya ang kanilang mga hosts.
Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na talagang nakabuti sa It's Showtime at GMA7 ang kanilang pagsasanib pwersa upang dominahin ang noontime shows.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!