It's Showtime May Good News Sa Madlang Pipol, New Studio Ipapasilip Na!

Miyerkules, Abril 3, 2024

/ by Lovely


 Talagang magiging masaya ang pagdiriwang ng kaarawan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang kaarawan ngayong taon dahil isasabay sa kanyang pagdiriwang ang unang pag-ere ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso Network.


Dobleng selebrasyon ang ipagdiriwang ng noontime show na It's Showtime sa darating na April 6, 2024 dahil kasabay ng unang pag-ere nila sa GMA7 ay ilalabas naman nila ang birthday episode ni Vice Ganda.


Talagang magiging bongga ang pasabog ng mga hosts ng show para sa nasabing episode, sa katunayan, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng mga hosts.


Tila lalampasan nila ang bonggang first episode ng It's Showtime sa GTV kung saan sumakay pa sa chopper si Vice Ganda mula ABS-CBN hanggang GMA Network.


Hinala naman ng ilang mga netizens na sa mismong studio ng GMA7 magaganap ang first episode ng nasabing show para na rin i-welcome muli ang mga It's Showtime hosts sa GMA Network.


Samantala, inaabangan naman ngayon ng marami kung sino ang Kapuso artists na makakasama nina Vice Ganda sa unang episode ng kanilang show.


Sa kabilang banda, may mga usap-usapang sa kaparehong petsa ay sasalang sa pinag-uusapang segment ng It's Showtime na Expecially For You ang rumored couple na sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Hindi pa naman sigurado kung makakasama ba ang aktor na si Xian Lim sa nasabing segment o sina Kim Chiu at Paulo lamang.


Nauna nang inihayag ni Kim Chiu na walang problema sa kanyang kung sakaling magiging guest host ng It's Showtime si Xian Lim. Bukas din umano siya na makasama sa iisang proyekto ang dating kasintahan dahil hindi naman umano sila magkaaway.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo