Ipinagmalaki ng tinaguriang 'Henyo Master' na si Joey De Leon na nasa top 5 sa buong mundo ang Eat Bulaga bilang longest running TV-show.
Nangunguna naman ang Eat Bulaga bilang longest running TV-show sa Pilipinas at sa buong Asia. Sa kanyang caption sa kanyang Instagram post, ibinida niya ang pagiging top 5 ng Eat Bulaga sa mga longest TV shows sa buong mundo.
Ayon sa data na ibinahagi ni Joey De Leon sa kanyang post, umiere na ang Eat Bulaga sa loob ng 45 years habang ang nangunguna naman sa listahan at isang soap opera sa United States.
Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, ayon sa ilang mga tagahanga ng Eat Bulaga na kaya unbothered ngayon ang TVJ sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 Kapuso network dahil may napatunyan na sila bilang longest running TV-show ng bansa.
May mga nagsasabi pa na tila ipinamukha umano ni Joey De Leon na kailanman ay hindi sila natalo ng It's Showtime dahil hamak na mas nauna naman sila sa larangan.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gitgitan ngayon ang labanan ng magkatapat na noontime shows, Eat Bulaga at It's Showtime.
Matatandaan na ilang araw ding nanguna sa ratings ang It's Showtime ngayong umiiere na sila sa network na may malawak na reach katulad na lamang ng GMA7.
Samantala, may mga madlang pipol naman na binweltahan si Joey De Leon dahil tila nagsisimula na naman umano itong makipagkompetensya gayung una nilang ipinalabas na hindi na nila kailangan pang gumawa ng hakbang dahil hindi naman sila apektado sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7.
Dating umiere sa GMA7 ang noontime show na Eat Bulaga, subalit dahil sa internal issue sa pagitan ng produver at original dabarkads ay nailipat ito sa TV5.
Unang umalis ang TVJ na sinundan naman ng iba pang mga hosts, naiwan naman noon ang Eat Bulaga sa kamay ng TAPE Inc, na siyang producer nito, kalaunan ay nagsampa ng petition ang TVJ upang makuha ang titulo ng Eat Bulaga, na kaulaunanan ay naibigay rin sa kanila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!