Karylle Ikinuwento Ang Naganap Backstage Ng Tanggihan Ni Janella Salvador Si Kim Chiu Na Mag-Sample!

Miyerkules, Abril 10, 2024

/ by Lovely


 Isa sa It's Showtime host na si Karylle idinitalye ang totoong nangyari sa dressing room ng It's Showtime noong bumisita si Janella Salvador kasama ang Thai-actor na si Wen Metawin para i-promote ang kanilang pelikula na Under Parallel Skies.


Detalyadong kinwento ni Karylle ang totoong naganap noong April 2, 2024 sa dressing room ng It's Showtime matapos ang live appearance nina Janella Salvador at Wen Metawin para  i-promote ang pinagsamahan pelikula at para na rin i-promote ang kanyang concert at ang kanyang panibagong kanta.


Matatandaan na umani ng pambabatikos si Janella Salvador matapos ang hayagan niyang pagtanggi kay Kim Chiu nang magrequest ito ng sample sa bagong song ni Janella Salvador.


Sa kamakailang episode ng programa ni DJ MO Twisters, kung saan nakapanayam niya si Karylle, naitanong niya sa host-singer kung ano ang reaksyon niya sa ginawang pagtanggi ni Janella sa kahilingan ni Kim Chiu.


Marami sa mga fans ni Kim Chiu ang bumatikos kay Janella Salvador dahil sa pambabatos umano ng aktres-singer sa kanilang idolo na si Kim Chiu. Bukod kasi sa hindi pa tapos si Kim Chiu sa kanyang sinabi ay padarang umano ang paraan ni Janella sa kanyang pagsasalita.


Samantala, bilang naroon sa insidente, nagbigay ng pahayag si Karylle kung saan ikinuwento niya ang totoong nangyari bago at matapos ang insidente at kung bakit nakapagsalita ng ganoon si Janella Salvador sa live.


Ayon kay Karylle, bago pa man sumalang sa live si Janella Salvador ay nagkakabiruan na sila nina Anne Curtis at Kim Chiu. Kumakanta pa umano sina Anne Curtis at Kim Chiu sa backstage kaya naman ang ibig sabihin ni Janella sa sinabi niyang 'kayo na lang' ay sina Kim Chiu at Anne Curtis na lamang ang kumanta dahil pareho naman itong magaling.


Ipinaliwanag din ni Karylle ang tila pasaring umano ni Vice Ganda kay Janella Salvador sa later segment ng Expecially For You kung saan nabanggit ni Vice Ganda ang pagiging paos.


Ayon kay Karylle, late na nang dumating sa studio si Vice Ganda kaya naman hindi nito naabutan ang pagkanta nina Kim Chiu at Anne Curtis sa dressing room. Kaya naman tila hindi alam ni Vice Ganda ang ibig sabihin ng sinabi ni Janella Salvador at na-offend rin sa pangyayari.


Naniniwala naman si Karylle na kaya naging malaking isyu ang ginawang pagtanggi ni  Janella Salvador sa pagsample sa It's Showtime dahil na rin nasanay na ang madlang pipol na pinagbibigyan ng mga guest ang mga request na sample.


Subalit, hindi naman umano maaring sisihin si Janella Salvador sa kanyang pagtanggi dahil valid naman ang rason nito na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo