Kathryn Bernardo Hindi Raw Type Si Alden Richards, May Ibang Napupusuan Si Kathryn Bernardo!

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, maaaring hindi umabot sa level na inaasahan ng fans ang relasyon ng dalawa.


Ayon sa entertainment news writer na si Reggee Bonoan, ipinarating umano sa kanya ng isa sa kanyang source na hindi interesado si Kathryn na magkaroon ng anumang romantikong relasyon kay Alden Richards, dahil ibang lalaki na ang gusto ng Kapamilya actress.


“Mukhang mananatiling magkaibigan lang sina Alden Richards at Kathryn  Bernardo dahil may ibang gusto raw ang aktres na hindi naman binanggit kung sino,” pahayag nito.


Sinabi pa ng writer na tiyak na marami ang magugulat kung matutuklasan nila ang pagkakakilanlan ng misteryosong lalaki na kinahuhumalingan ngayon ni Kathryn Bernardo.



Matatandaang nagtatanong ang libu-libong fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung nagde-date na ang dalawa matapos ang  pagkalat ng kanilang mga litrato sa social media kung saan makikita ang sweet moments nila together sa mismong selebrasyon na inorganisa ng mga kaibigan at glam team ni Kathryn Bernardo.


Nauna nang naiulat na kumuha ng private plane si Alden Richards para dumalo sa birthday celebration ni Kathryn Bernardo na naganap noong March 26, 2024 sa El Nido, Palawan, na nag-udyok sa ilang netizens na mag-isip tungkol sa tunay na intensyon ng aktor.


Sa kabila nito, naniniwala naman ang ilang mga netizens na kung hindi man totoong nagkakamabutihan na ang dalawa may dahilan pa rin kung bakit naging malapit na ngayon ang dalawa ilang buwan matapos ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo