Katotohanan: 'Eat Bulaga Magpapaalam Na, Magsasara Na'

Miyerkules, Abril 17, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga marites online ang mga haka-hakang titigil na rin sa pag-ere ang longest running noontime show ng bansa na Eat Bulaga, dahil sa pagiging negative ng earning nito ilang buwan na ang nakakalipas.


Naging usap-usapan pa noon ang pagpapatawag ng emergency meeting sa pagitan ng mga staff ng show at maging ng pamunuan ng TV5 para pag-usapan umano ang nasabing isyu.


Hati naman ang opinyon ng maraming mga netizens sa usaping ito dahil kung titingnan ngayon ang Eat Bulaga ay tila hindi naman sila bothered sa paglipat ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso na channel 7.


Ayon pa sa maraming tagahanga ng Eat Bulaga na malabong magsara ang show dahil marami naman ang sumusuporta nito at palagi ring puno ng TV ads ang kanilang slots.


Bukod pa rito, bumubuhos rin ngayon ang mga papremyo na ibinibigay ng TVJ, kagaya na lamang nitong nakaraang episode ng Eat Bulaga kung saan tila nagpaulan ng papremyo ang dating Senate President na si Tito Sotto sa Gimme 5, Laro ng mga Henyo sa Eat Bulaga.


Nagpapatunay lamang umano ito na hindi nalulugi ang kanilang programa na walang katotohanan ang mga isyung magsasara na sila.


Tinawag pang sinungaling ni Tito Sotto ang mga taong nagpapakalat sa isyung nalulugi na sila at nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan dahil sa usaping pera sina Vic Sotto at Joey De Leon.


Ayon naman kay Joey De Leon, na ang mga nagpapakalat ng mga balitang nalulugi at matitigil na ang kanilang show ay ang mga taong naiinggit sa kanilang tagumpay dahil hindi sila kasali sa top 5 longest running shows in the world.


Sinabi pa ni Tito Sotto na handa nilang ipakita ang file income tax nila sa BIR para mapatunayan na walang katotohanan ang bali-balitang magtatapos na ang kanilang show.


Sa kabilang banda, may hamon pa si Joey De Leon sa hindi niya pinangalanang show na kung aabot sila ng fifteen years ay luluhod siya sa harap ng mga hosts nito.


Nilinaw pa niya na fifteen years lang hindi fifty years.


Hirit ni Joey De Leon, na bastosan na kasi ngayon ang labanan at siraan na, mga walang kwenta, gayung dapat mag-enjoy lamang ang lahat sa mga programa na inilatag.


Bukod sa pagtawag na inggitera ay tahasan pang sinabi ni Joey De Leon na masasama ang ugali ng mga ito gayung wala pang napatunayan ang mga ito hindi kagaya nila na umabot na sa 45 years ang kanilang programa at kabilang na sa top 5 of the world.


Sa huli, muling nilinaw ni Tito Sotto hindi walang katotohanan ang mga naglabasang mga ulat patungkol sa pagsasara at pagkakalugi ng Eat Bulaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo