Kim Chiu at Paulo Avelino, Kaagad Naikumpara Kina Kathryn Bernardo at Alden Richards

Miyerkules, Abril 3, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay laman pa rin ng mga usap-usapan sa social media ang pagbisita ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa nakaraang surprise birthday celebration ng aktres nitong April 2, 2024.


Marami ang nakapansin na tila bigla namang naging malapit sina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Bigla ring naging sweet sa isa't-isa base na rin sa mga kumakalat na larawan at videos.


Kinikilig naman ngayon ang ilang mga fans ng dalawa mula pa noong nagkatambal sila sa pelikulang Hello, Love, Goodbye. 


Subalit, hindi rin naiwasan ng ilang mga netizens na ikumpara sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kinakikiligang tambalan ngayon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na parehong nagdaan sa break-up sina Kathryn Bernardo at Kim Chiu mula sa kani-kanilang mga longtime relationships.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila sina Paulo Avelino at Alden Richards ang papawi sa mga sugatang puso ng dalawa.


May mga natutuwa dahil sa madaliang pagmomove on ng dalawa at kaagad umano silang nakatagpo ng panibagong pag-ibig.



Subalit may mga nagsasabi ring napakaaga pa sa ngayon para muling pumasok sila sa isang serious relationship at mas maigi umano na i-enjoy na muna nila ang kanilang single era.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na tila hindi umano kapani-paniwala ang biglang pagkakalapit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ngayon dahil bagama't nagkasama na sila sa iisang proyekto noon ay ilang taon na rin naman ang lumipas.


Marami sa mga netizens ang kinikilabutan sa ginagawa ng dalawa at naghinalang pakitang tao lamang ang lahat dahil napapabalitang matutuloy na ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye.


Samantala, may mga nagsasabing mas genuine umano ang pagkakalapit nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa magkasunod na teleserye na pinagsamahan nila.


Bukod pa rito, nagkakasama na rin sila sa ASAP Natin 'To.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo