Kim Chiu Gustong Makasama Ni Paulo Avelino Sa Elevator, Paulo Hindi Tumabi Ky Kylie Sa Mediacon Nila

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely


 Trending at pinag-uusapan ngayon sa mga ilang mga social media platforms ang mga sagot ni Paulo Avelino sa nakaraang mediacon ng pelikulang Elevator nina Kylie Verzosa at Paulo Avelino.


Kahit iba ang katambal ni Paulo Avelino sa nasabing pelikula ay bukambibig pa rin nito ang kanyang leading lady sa Linlang at What's Wrong with Secretary Kim na si Kim Chiu.


Naitanong kay Paulo Avelino sa nasabing mediacon, kung sino ang kanyang gustong makasama sa Elevator. Kaagad naman itong sinagot ni Paulo na si Kim Chiu.


Si Kim Chiu ang napili ni Paulo Avelino dahil masaya naman umano itong kasama. 


Kaagad namang kinilig ang mga KimPau fans dahil talagang nasaisip pa rin ni Paulo Avelino si Kim Chiu kahit hindi sila magkasama.


Dahil dito, lalong lumakas ang hinala ng maraming mga fans ng dalawa na talagang nagkakamabutihan na ang mga ito na tinatago na muna nila sa kanilang mga fans para kahit papaano ay magkaroon rin sila ng privacy.


Napansin rin ng mga fans na may distansya sa pagitan nina Kylie Versoza at Paulo Avelino, gayung sa mga nakaraang mga mediacon nila ni Kim ay palagi umano nitong tinatabihan ang aktres.


Bagama't marami na ang nagkukumpirmang nagkakamabutihan na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, may mga naghihintay pa rin ng kumpirmasyon mula mismo sa dalawa patungkol sa kanilang relasyon.



@kimpauint Sino ang gustong kasama pag nastuck sa Elevator! #KimPau #KimChiu #PauloAvelino ♬ original sound - KimPau International

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo