Kyline Alcantara at Darren Espanto May Parinig Kay Carmina Sa Showtime Live

Miyerkules, Abril 10, 2024

/ by Lovely


 Iniintriga ngayon sina Kyline Alcantara at Darren Espanto ng ilang mga madlang Kapuso at mga netizens matapos magtrending ang tila  parinig nila sa actress na si Carmina Villaroel sa guesting ni Kyline Alcantara sa It's Showtime.


Marami sa mga netizens at mga Madlang Kapuso ang nakapansin na tila naging malaman umano ang mga pagbibiro nina Darren Espanto at Kyline Alcantara na tila parinig umano ng mga ito sa ina nina Cassy at Mavy Legaspi na si Carmina Villaroel.


Matatandaan, na si Carmina Villaroel ang itinuturong isa sa mga dahilan kung bakit tuluyang nagkahiwalay noon sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Sa pagkakaisa nina Darren Espanto at Kyline Alcantara naghinala ang mga netizens na may kinalaman rin si Carmina Villaroel kaya hindi nagtagal ang relasyon nina Cassy Legaspi at Darren Espanto.


Tila nagkaisa sina Darren Espanto at Kyline Alcantara sa kamakailang episode ng It's Showtime. Kapansin-pansin umano sa mga tinginan ng dalawa at maging sa ilang pahayag na hinalang may mas malalim pa na kahulugan na iniuugnay naman ng maraming mga netizens kay Carmina Villaroel.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing episode ng It's Showtime.


Marami ang nagsasabing talagang may kinalaman si Carmina Villaroel sa mga nangyayari sa buhay pag-ibig ng kanyang mga anak dahil sa makahulugang tinginan nina Kyline Alcantara at Darren Espanto na parehong naiuugnay sa mga anak ni Carmina Villaroel.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo