Lee O'Brian, Tuluyan Nang Pinaalis Sa Bansa

Huwebes, Abril 11, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang ilang buwan, sa wakas ay natuloy na ang pagpapaalis sa Pilipinas sa dating kinakasama ni Pokwang na si Lee O'Brian.


Noong Aprl 8, 2024, tuluyan nang naipa-deport ng Bureau of Immigration si Lee O'Brian.


Nitong hwebes, April 11 inilabas ng Bureau of Immigration ang balitang tuluyan nang sumakay ng eroplano si Lee O'Brian palabas ng bansa.


Naglabas ng official statement ang nasabing ahensya kalakip ang larawan ni Lee O'Brian na papasakay na sa eroplano papuntang San Francisco, California.


Si Lee O'Brian ang dating kinakasama ng komedyanteng si Pokwang. Kung saan nagkaroon sila ng isang anak na babae na si Malia O'Brian.


Matapos ang masalimoot na hiwalayan nina Pokwang at Lee O'Brian, inilabas lahat ng komedyante ang mga itinatagong baho ni Lee O'Brian kabilang na ang hindi pagkakaroon ng proper papers para manatili sa Pilipinas.


Bukod pa rito, isiniwalat din ni Pokwang ang hindi pagsusustento ni Lee O'Brian sa kanilang anak kahit pa nagsasama sila sa iisang bubong.


Naghain ng deportation case si Pokwang laban kay Lee O'Brian dahil nagtatrabaho umano ito sa bansa sa kahit wala namang VISA.


Sa kabilang banda, kinumpirma ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na tuluyan nang na-deport si Lee O'Brian noong pang April 8, 2024, matapos makumpirmang wala itong kinakaharap na ibang kaso sa bansa.


Ayon naman sa inilabas napahayag ng Bureau of Immigration, inilahad nilang kailanman ay hindi na maaring makabalik sa Pilipinas si Lee O'Brian.


"The Bureau of Immigration (BI) has successfully deported American national Lee O’Brian.


"It can be recalled that last year, Filipino comedian Marietta Subong, more popularly known as Pokwang, filed a deportation case against her ex-partner for working without proper permits.


"In her complaint, Subong claimed that O’Brian rendered work in different production companies without securing required Department of Labor and Employment and BI permits.


"The BI found merit in the said complaint and ordered O’Brian deported in December for violation of the conditions of his stay. O’Brian filed for a motion for reconsideration, which was eventually denied.


"BI Commissioner Norman Tansingco said that O’Brian was deported evening of April 8 on board a Philippine Airlines flight to San Francisco after the BI confirmed that he has no pending local case in the Philippines.


"As a consequence of his deportation, his name has been included in the BI’s blacklist, barring any future attempts to re-enter the country," buong pahayag ng Bureau of Immigration.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo