Maine Mendoza, Humagulgol Sa Mga Nakitang Larawan Nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

Huwebes, Abril 4, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ng ilang mga AlDub fans ang ginawang pagsurpresa ng Kapuso actor na si Alden Richards sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang mga fans ng AlDub, labis na ikinagulat at ikinagalit ng aktres na si Maine Mendoza ang mga kumakalat na video kung saan makikita ang ginawa nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Kinakikiligan ngayon ng maraming mga netizens ang dalawang blockbusters stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Marami ang nakapansin sa napakalakas na chemistry ng dalawa lalo na ngayon palagi na silang nakikitang magkasama.


Trending rin ang video clip kung saan makikita ang surpresang pagbisita ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa ikalawang celebration ng kanyang ika-28 na kaarawan.


Makikitang may dalang bouquet of red roses si Alden Richards at mamamahaling regalo para sa aktres. Makikita rin ang closeness ng dalawa sa mga kumakalat na larawan kung saan makikitang magkayakap ang dalawa. 


Bagama't marami ang nasiyahan sa pagiging close ng dalawa, may mga nagagalit rin dito partikular na ang mga AlDub Fans.


Ang AlDub Fans ay ang mga tagahanga ng tambalan noon nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsimula sa noontime show na Eat Bulaga.


Ayon sa ilang mga fans ng AlDub, labis umanong nagalit si Maine Mendoza sa mga kumakalat na larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Nalulungkot din umano ito dahil hindi niya inakalang magagawa sa kanya ito ng aktor.


Sa kabilang banda, kaagad namang itinama ng mga tagahanga ni Kathryn Bernardo ang mga pahayag ng fans ng AlDub kung saan ipinunto nila na hindi naman nagkaroon ng totoong relasyon noon ang dalawa at sa katunayan ay masaya na si Maine Mendoza kasama ang kanyang mister na si Arjo Atayde.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo