Mommy Ni Kathryn Bernardo Kasabwat Sa Surprise Ni Alden Richards

Miyerkules, Abril 3, 2024

/ by Lovely


 Muling nagkaroon ng pagdiriwang para sa kaarawan ng kilalang aktres sa Kapamilya na si Kathryn Bernardo nitong April 2, 2024.


Sinurpresa si Kathyrn Bernardo ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa kanyang mismong studio sa pasimuno ng kanyang glam team at kinasabwat rin ng mga ito ang kanyang ina na si Mommy Min.


Hindi ito inasahan ni Kathryn Bernardo dahil nagkapag-celebrate na rin naman siya ng kanyang kaarawan noong March 26, 2024 sa El Nido, Palawan.


Naging emosyunal pa si Kathryn Bernardo sa ginawa ng kanyang glamteam para sa kanya at ng kanyang si Mommy Min. Labis ding ikinagulat ni Kathryn Bernardo ang pagpunta ni Alden Richards dahil hindi niya inaasahang iimbitahan ito ng kanyang mga kaibigan.


Naghiyawan pa ang mga ito at tila tinutukso si Kathryn Bernardo nang dumating si Alden Richards sa dinner na may dalang bouquet of flowers at regalo para kay Kathryn.


Hinala naman ng mga netizens na talagang boto ang mga kaibigan ni Kathryn Bernardo kay Alden Richards na maging boyfriend ni Kathryn Bernardo.


Marami naman ang naghinalang nanliligaw na ngayon si Alden Richards kay Kathryn Bernardo kung pagbabasehan ang mga galawan nito at ang mga kumakalat na larawan kung saan makikitang napaka-close ng dalawa at may larawan pang tila nakayakap ang aktor kay Kathryn Bernardo.


Samantala, may mga nagsasabi naman na sana ay hindi kaagad papasok sa isang relasyon si Kathryn Bernardo lalo na't katatapos pa lamang ng kanyang toxic relationship kasama si Daniel Padilla.


@philippinestar Actor Alden Richards brought "kilig" to fans after he surprised Kathryn Bernardo with a large flower bouquet on Tuesday. "Kinikilig ako #KathDen," fashion stylist Priscilla Ann "Boop" Yap-Tañedo wrote in her Instagran Story. Bernardo recently turned 28 on March 26, 2024. They worked together in the 2019 romantic film "Hello, Love, Goodbye." (Instagram/Boop Yap) #philippinestar #entertainmentnewsph #celebritynewsph #kathrynbernardo #aldenrichards #kathden ♬ original sound - Philippine STAR

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo