Ogie Diaz Isiniwalat Ang Reklamo Ng Kaibigan Niya Sa Pares Overload Ni Diwata Na Hindi Masarap

Lunes, Abril 29, 2024

/ by Lovely


 Kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, isiniwalat sa kamakailang vlog ang totoong lasa ng pinag-uusapang Pares Overload ni Diwata.


Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie Diaz ang ikinuwento ng kanyang mga kaibigan ng tanungin niya ang mga ito patungkol sa nakain nilang Overload Pares ni Diwata.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na talagang dinudumog at pinipilahan ang paresan ni Diwata matapos ang kabi-kabilang pagpi-feature ng mga vloggers rito.


Dahil dito, tinanong mismo ni Ogie Diaz ang ilang mga kaibigan niya na nakakain sa Diwata Pares.


Ayon kay Ogie Diaz, sinabi umano sa kanya ng kanyang mga kaibigan na hindi umano kasundo ng kanilang mga panlasa ang luto ni Diwata.


Nilinaw naman ni Ogie Diaz na baka hindi kasundo ng kanilang panlasa ang pares ay kasundo naman ito sa panlasa ng ibang tao.


Sa kabila nito, naniniwala naman si Ogie Diaz na kailangan pa ring makarating kay Diwata ang mga komento na katulad nito para lalo pa nitong pasarapin ang mga inihahaing pagkain sa mga taong dumarayo mula pa sa ibang  lugar para lamang matikman ang pinag-uusapang Pares Overload.


Hiling na lamang ngayon ni Ogie Diaz na sana ay magpatuloy ang pag-usbong ng negosyo ni Diwata at magsilbi ring inspirasyon para sa iba pang mga myembro ng LGBTQ+ community.


Hiniling rin ni Ogie Diaz na hindi lamang basta hype sa panahong sinasabayan pa ng mga vloggers ang negosyo ngayon ni Diwata at sana ay matuloy-tuloy pa ito at lalong lumago.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo