Paulo Avelino Itinanggi Ang Pagkakaroon Nila Ng Relasyon Noon Ni Janine Gutierrez!

Miyerkules, Abril 3, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng reaksyon ang aktor na si Paulo Avelino patungkol sa mga kumakalat na balitang nagkaroon sila ng romantic relationship noon ng aktres na si Janine Gutierrez.


Iginiit ni Paulo Avelino na hindi naman umano naging sila noon ni Janine Gutierrez naging magkalapit lamang sila para sa promotion ng kanilang pinagsamahang teleserye.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagkakamabutihan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Bagama't hindi nila ito tahasang inaamin sa publiko makikita naman sa kanilang mga ikinikilos.


Tila naging proud pa noon si Janine Gutierrez kay Paulo Avelino dahil sinasabi niya sa ilang naging panayam niya ang paggiging mabait at gentleman ni Paulo Avelino sa kanya.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, naisiwalat nilang nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magsisimula na sanang magplano para sa kanilang kasal nang  iharap ni Janine Gutierrez si Paulo Avelino sa kanyang pamilya.


Nagsimula na umanong manlamig si Paulo Avelino hanggang sa nauwi na sa hiwalayan ang kanilang relasyon.


Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, tila hindi pa umano handa si Paulo Avelino na magpakasal kay Janine Gutierrez dahil hindi umano ito gaano ka seryoso sa aktres.


Kung totoo man ang balitang ito, napakasakit nito para kay Janine Gutierrez dahil naging bukas ang aktres sa kanyang nararamdaman para kay Paulo Avelino.


Marami naman ang naghinala na may kinalaman ang pagpasok ni Kim Chiu sa buhay ni Paulo Avelino sa dahilan ng tuluyang pagkakahiwalay ng dalawa.


Matatandaan na naging lamang ng mga bali-balita noon ang paghihiwalay at pagbabalikan nina Paulo Avelino hanggang sa muli naman silang naghiwalay ng tuluyan.


Hindi naman kasi maitatanggi na magmula noong nagkatambal sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa digital series na Linlang ay nakitaan na sila ng malakas na chemistry dahilan para hilingin ng maraming mga netizens na sana ay magkatuluyan silang dalawa.


Labis umanong nasasaktan si Janine Gutierrez dahil mas marami ang sumuporta kina Paulo at Kim, nakikita rin umano niyang naging mas malapit si Paulo sa aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo