Paulo Avelino, Tinawag Na Asawa Niya Si Kim Chiu, Nabuking Na Ang Dalawa

Lunes, Abril 29, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang tila pagkadulas umano ni Paulo Avelino sa kamakailang interview nito para sa vlog ni Luis Manzano.


Tila napressure ang aktor na si Paulo Avelino sa mga naging katanungan sa kanya ni Luis Manzano sa kamakailang guesting nito sa online show nito na Luis Listens patungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig sa ngayon.


Sa kamakailang episode ng nasabing vlog ni Luis Manzano, kung saan si Paulo Avelino ang kanyang bisita, naglaro sila ng shot or pass sa kontrobersyal na katanungan para sa aktor.


Unang naitanong kay Paulo Avelino ay kung single pa ba ito sa ngayon. Hindi naman ito nasagot kaagad ni Paulo Avelino hanggang sa napili na lamang niya na mag-'shot'.


Ang kasunod na katanungan naman ay follow-up lamang sa naunang katanungan, kasunod na tanong ay kung may nililigawan ba si Paulo ngayon.


Muli, ay hindi nakasagot si Paulo Avelino kaya naman napashot na lamang siya sa ikalawang pagkakataon.


Kabilang din sa mga naitanong ni Luis Manzano kay Paulo Avelino ay kung totohanan na ba ang relasyon nila ni  Kim Chiu. Muli ay napa-shot na lamang si Luis Manzano sa mga katanungan ni Luis.


Bukod sa mga katanungang ito, naitanong rin ni Luis kung dinadalaw nga ba ni Paulo si Kim sa It's Showtime at kung kasama ba niya itong mag-work out.


Natapos na lamang ang interview ni Luis Manzano kay Paulo Avelino nang walang nahihitang impormasyon patungkol sa totoong estado ng buhay pag-ibig ng aktor.


Hindi naman na ito kataka-taka pa dahil noon pa man ay pinanatili na ni Paulo Avelino ang pagiging private.


Gayunpaman naniniwala pa rin ang maraming mga netizens na 'action speaks louder than words' kung saan inilahad nilang halata naman na may namamagitan na sa dalawa dahil sa kanilang sweetness on and off-cam.


May mga netizens naman ang nakapansin na tila may tawagan na ang dalawa at 'asawa ko' ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo