Philip Salvador Harap Harapang Ininsulto! Wala Raw Kwentang Ama

Biyernes, Abril 26, 2024

/ by Lovely


 Nakatanggap ng pambabatikos ang premyadong aktor na si Philip Salvador matapos mag-anunsyo na tatakbo siyang senador sa darating na 2025 midterm election.


Matatandaan na noong nakaraang April 19, 2024 ay inanunsyo ni Philip Salvador ang kanyang intensyon na tumakbo bilang senador nang tanggapin niya ang alok ng PDP-Laban political party.


Ayon kay Philip Salvador, ang kanyang malapit na kaibigan na si Sen. Bong Go ang naglapit sa kanya kasama ang iba pa niyang mga kaibigang politiko.


Ayon kay Philip Salvador, mananatili siya sa PDP hanggang sa kanyang huling hininga. Hindi man umano siya abogado, hindi doktor, hindi rin engineer, isa lamang siyang artista ng PDP na epektibong magserbisyo sa mga Pilipino.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Philip Salvador, umaani siya ngayon ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens.


Bago raw ito magbalak na magsilbi sa bayan ay dapat muna nitong unahin na padalhan ng sustento ang anak kay Kris Aquino na si Joshua Aquino na magiging 29 years old na sa darating na June 4.


May mga nagsasabi pa na hindi nararapat na manalo ang premyadong aktor dahil hindi nga nito nagampanan ng maayos ang pagiging ama ng kanyang anak na si Joshua Aquino ang paninilbihan pa sa bayan.


Samantala, hindi naman na bago kay Philip Salvador  ang pagtakbo sa mga halalan dahil kumandidato noon sa Mandaluyong at Bulacan subalit hindi siya pinalad na manalo.


Sa kabilang banda na sa programang 'Showbiz Now' Na nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na ibinahagi nila sa kanilang YouTube channel, ipinagtanggol naman ni Cristy Fermin si Philip Salvador sa mga nambabatikos rito.


Ayon kay Cristy Fermin, ganitong-ganito rin ang naririnig niyang pambabatikos mula sa mga netizens nang tumakbo sa senado noon si Sen. Robin Padilla.


Minaliit, pinintasan at kung ano-ano pa ang mga ibinatong isyu laban dito subalit ang nangyari sa huli ay naging number senador pa.


Kaya naman hindi nararapat na pangunahan at lalong-lalo na maliitin si Philip Salvador kasi hindi naman nating hawak ang kapalaran at baka sa huli ay maging kapalaran din ni Philip Salvador ang naging kapalaran noon ni Sen. Robin Padilla.


Humirit naman si Wendell Salvador na positibo rin na mananalo sa halalan si Philip Salvador dahil sa magaling nitong PR at matulungin din ito kahit hindi nito kakilala ang taong humihingi ng tulong.


Ipinahayag pa ni Cristy Fermin na hindi naman nararapat na husgahan si Philip Salvador sa hindi niya pagbibigay ng sustento kay Joshua Aquino dahil hindi naman alam ng nakakarami kung ano ang usapan nila ni Kris Aquino.


Gayunpaman, nakakatitiyak umano si Cristy Fermin na balang araw ay bibigyan din ng linaw ni Philip ang lahat ng mga isyung ibinabato sa kanya.


Binalikan pa nina Cristy Fermin ang pananahimik ni Kris Aquino noong naghiwalay sila ni Philip Salvador gayung ilang beses itong nagbigay ng marahas na sa salita sa iba nitong mga nakarelasyon kagaya na lamang nina Mayor Joey Marquez at ni James Yap.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo