Pokwang, Hihingi Pa Rin Ng Sustento Mula Kay Lee: 'Karapatan ng Anak ko yan'

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Ibinahagi ng komedyante-TV host na si Pokwang ang kanyang reaksyon sa pagkakadeport ng kanyang dating partner na si Lee O’Brian.


Noong April 11, ipina-deport si Lee O'Brian ng Bureau of Immigration (BI) matapos tanggihan ang kanyang motion for reconsideration sa reklamong inihain ni Pokwang.


Matatandaan na noong nakaraang taon, hiniling ni Pokwang sa gobyerno na i-deport si Lee O'Brian dahil ito ay nagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang dokumento.


Sa panayam ng 24 Oras, nagpahayag ng kaginhawaan si Pokwang matapos tuluyang umalis ng Pilipinas si Lee – na diumano’y nakikipag-date sa ibang babae.


“Meron tayong batas na sinusunod, syempre nagkaroon tayo ng paglabag sa batas so kailangan nating sundin kung ano yung mga parusa. Kasi tayo nga sa ibang bansa ‘yung mga OFW natin sumunod,” pahayag ni Pokwang.


Naninindigan din si Pokwang at sinabing sa kabila ng utos ng deportation, hihilingin pa rin niya kay Lee O'Brian na bigyan ng sustento ang kanilang anak na si Malia.


Iginiit din ni Pokwang na karapatan ng kanyang anak ang kanyang ipinaglalaban dito dahil obligasyon naman ng isang magulang sa suportahan ang kanyang anak.


“Kailangan ‘yon, bilang magulang kailangan nating suportahan… Hindi naman ginusto ng bata na isilang siya, so may responsibilidad po tayo sa mga anak natin lalo na sa ganyang edad. Bilang ama, responsibilidad niya rin ‘yon. Karapatan ng bata ‘yon,” pagdidiin ni Pokwang.


Nilinaw naman ni Pokwang na pumapayag pa rin siyang makita ni Lee O'Brian si Malia kung tatanungin siya ng kanyang anak, sa kabila ng pagbabawal sa American actor na bumisita sa Pilipinas dahil sa pagkakasama nito sa immigration blacklist.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Lee O'Brian patungkol sa pagkakadeport sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo