Pumirma Na! Kilalanin, Ang Bagong Aabangan Sa Kapamilya

Lunes, Abril 29, 2024

/ by Lovely


 Nagtagumpay ang Expecially For You searchee mula sa Cebu na si Atty. Oliver Moeller na makapasok sa showbiz insider.


Ayon sa mga kumakalat na mga bali-balita ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites noong myerkules, ang pagpirma ng kontrata ni Atty. Oliver Moeller ng kontrata sa Cornerstone Management.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media si Atty. Oliver Moeller matapos siyang mapili ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa tatlong searchee ng nasabing show.


Bukod pa rito, kaagad na umani ng reaksyon at komento mula sa mga netizens ang mga larawan na ibinahagi mismo ni Oliver Moeller kung saan makikitang kasama niya ang actress-host na si Kim Chiu.


Kaagad na napansin ng mga netizens ang malakas na chemistry ng dalawa at pareho pa silang taga-Cebu kaya naman marami ang naniniwalang perfect match ang mga ito.


Lalo namang kinilig ang maraming mga netizens nang muling bumisita si Atty. Oliver Moeller sa It's Showtime matapos ang sampung araw nang maging contestant ito sa Expecially For You.


Sa isang panayam kay Atty. Oliver Moeller, mahahalata na ang intensyon nitong makapasok sa showbiz batay sa kanyang mga kasagutan sa katanungan ng reporter.


Naging hati naman ang mga opinyon ng mga netizens sa napapabalitang pagpirma ng kontrata ni Oliver Moeller sa Cornerstone.


May mga nasisiyahan rito dahil gumagawa na umano ito ng paraan para mapalapit kay Kim Chiu subalit, hindi pa rin maiiwasan ang mga pambabatikos sa totoong intensyon ni Atty. Oliver Moeller sa paglapit kay Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga fans ni Kim Chiu nararapat lamang talaga na umiwas si Kim Chiu kay Oliver Moeller dahil baka muli na naman siyang magamit ng lalaki para sumikat sa showbiz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo