Nagbigay na ng pahayag ang comedian-host na si Pokwang patungkol sa matagumpay na pagkakadeport ni Lee O'Brian nitong Lunes April 8, 2024.
Si Lee O'Brian, 49 years old ay isang U.S citizend na dating kinakasama ni Pokwang at ama ng bunsong anak ng aktres na si Malia O'Brian.
Matatandaan na naghain ng deportation case si Pokwang laban kay Lee O'Brian dahil sa ilegal umano nitong pagtatrabaho sa bansa.
Nagtagumpay naman si Pokwang sa kanyang kagustuhan na masipa paalis sa Pilipinas si Lee O'Brian dahil nitong hwebes April 11, 2024 ay inilabas na mismo ng Bureau of Immigration ang mga larawan ni Lee O'Brian na paalis na sa bansa kalakip ang official statement ng Bureau of Immigration na black listed sa Pilipinas si Lee.
Samantala, sa isang exclusive interview kay Pokwang nitong hwebes sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 na Fast Talk, tila lumambot kunti ang puso ni Pokwang para sa kinahinatnan ng lalaking dating pinag-alayan niya ng kanyang puso.
Ayon kay Pokwang, naniniwala siya na para sa ikabubuti nila pareho at ng kanilang anak ang ginawa niyang pagpapadeport kay Lee. Makakapagtrabaho pa naman umano ito ng maayos roon sa Amerika at ganoon din siya dito sa Pilipinas.
Alam naman umano ni Pokwang na hindi makakapaghanapbuhay dito sa bansa si Lee O'Brian kaya paano ito makakapag-provide sa kanilang anak, mas mabuti umano sa US dahil makakapagtrabaho ito roon.
Sa kabila ng masalimoot na kinahihinatnan ng kanilang relasyon, iginiit naman ni Pokwang na hindi niya ipagdadamot si Malia kay Lee dahil bali-baliktarin man ang mundo ito pa rin ang ama ng bata.
Sa katunayan, kung gusto umano ni Malia na pumunta sa Amerika para makita ang ama ay papayag naman umano siya, ihahatid pa niya ito mismo basta ibabalik rin ito ni Lee sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!