Rosmar Sinagot Ang Issue Ng Hindi Pagpansin Kay Diwata Nung Di Pa to Sikat!

Lunes, Abril 29, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang social media influencer at business owner na si Rose Marie Tan Pamulaklakin na mas kilala bilang si Rosmar sa mga pambabatikos natatanggap niya matapos magtayo ng sariling negosyo na katulad ng kay Diwata.


Ilang araw nang laman ng mga usap-usapan sa socia media ang pagbubukas ng paresan business ni Rosmar na inspired umano sa pares overload ni Diwata.


Ayon sa ilang mga netizens, talagang sinagkyan ni Rosmar ang kasikatan ng pares overload ngayon ni Diwata na sa halagang 100 pesos ay mayroon ka nang isang pork pares, unli rice, unli sabaw, isang bote ng maliit na coke at drinking water.


Marami naman ang napataas ang kilay nang gayahin ito ni Rosmar sa kaparehong presyo at mga inclusions dinagdagan pa ito ni Rosmar ng libreng pa swimming sa kanyang resort.


Umaani naman ito ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens na labis ang pagsuporta kay Diwata. Ayon sa kanila dapat hindi na ginaya ni Rosmar ang negosyo ni Diwata dahil small time business lang naman ito.


Subalit, kaagad namang nilinaw ni Rosmar na walang katotohanan ang mga nagsasabing ginaya niya ang negosyo ni Diwata dahil nainspired lamang siya nito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis na dinudumog ang paresan business ni Diwata na matatagpuan sa Pasay City.


Samantala, ayon kay Rosmar hindi naman niya masasabing hindi totoo ang isyung ginagaya niya si Diwata dahil inspired naman talaga sa paresan ni Diwata ang kanyang paresan.


Gayunpman, iginiit ni Rosmar na noon pa man ay balak na talaga niyang magbukas ng paresan business. Sa katunayan ay kumpleto na umano siya sa gamit para masimulan ang kanyang negosyo.


Subalit, noong sinubukan na niyang magluto ng pares, nalaman niyang nakapakatagal palang maluto ng beef kaya tinamad na siya at pansamantalang tinigil ang pagluluto ng pares.


Nang mabalitaan niya na na nauuso na ang pagluluto ng prok pares kung saan madaling lumambot at madaling lutuin muli na naman niyang binuksan ang kanyang pares business.


Ipinunto rin ni Rosmar na hindi naman maaring sabihing tinapatan niya si Diwata at sinusulot ang mga costumers nito dahil wala naman umano sila sa iisang lugar.


Bukod pa rito, magkaiba naman umano sila ng timpla ni Diwata sa kani-kanilang mga pares kaya naman nakakatitiyak siyang hindi magkakatulad ng lasa ang kanilang mga paninda.


Ang paresan ni Rosmar ay makikita sa kanyang resort sa Laguna habang magkakaroon naman sila ng second branch sa Tagaytay na bubuksan sa darating na buwan.


Bukod sa isayung ito, sinagot rin ni Rosmar ang isyung hindi umano niya pinansin noon si Diwata noong hindi pa ito sikat. Ipinakita ni Rosmar ang ebedensya na noon pa man ay sinasagot na niya ang mga messages ni Diwat kahit wala pa itong pares business noon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo