Sarah Lahbati, Ipinakilala ang Lalaking Kasama niya Sa Hongkong

Miyerkules, Abril 3, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang actress-model na si Sarah Lahbati matapos maging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pakikipagdate umano niya sa isang lalaki sa Hongkong.


Naglabasan ang maraming mga hakahaka patungkol sa larawang kumakalat patungkol kay Sarah Lahbati at kasama niyang lalaki na unang inilabas ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz.


Makikita sa nasabing larawan si Sarah Lahbati na may kasamang tila isang foreigner sa loob ng isang restaurant. 


Kung pagbabasehan naman ang ilang mga kuha ay makikitang malapit sila sa isa't-isa dahil pinunasan pa ng aktres ang damit ng lalaki ng matapunan ito ng sauce.


Sa kamakailang panayam ni MJ Malfori kay Sarah Lahbati, sinagot na ng actress-model ang mga katanungan sa kanya patungkol sa babae.


Sa nasabing panayam, ipinaalala ni Sarah Lahbati sa lahat ang kanyang single status ngayong naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.


“It’s okay because again, I am single. Let me repeat that I am single so of course there will always be speculations,” pahayag ni Sarah Lahbati.


Ibinahagi rin ni Sarah Lahbati ang totoong nangyari sa kanyang bakasyon sa Hongkong para ma-experience ang Art Basel.


Ibinahagi rin ni Sarah na ang lalaking nakasama niya sa larawan ay isang kaibigan niya.


Iginiit naman ni SaraH Lahbati na hindi siya natatakot na masangkot sa mga kontrobersiya at hindi rin umano siya natatakot sa samu't-saring speculations ng mga netizens.


Binalikan pa ng aktres na magmula ng ipanganak niya si Zion ay hindi na umano siya nilalayuan ng mga intriga kaya naman hindi na siya natatakot pa rito.


Matatandaan na nito lamang nagdaang taon ay naiulat ang paghihiwalay ng mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nang mapansin ng marami na hindi na sila nagkakasama sa iisang larawan.


Nagkaroon rin ng tila sagutan sina Sarah Lahbati at ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama patungkol sa usaping pera at sa pagiging maluho at magastos ni Sarah Lahbati.


Sa ngayon ay hayagan nang ipinapahayag ni Sarah Lahbati sa publiko na single na siya na nangangahulugang tinapos na talaga nila ni Richard ang kanilang relasyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo