Humihingi ng panalangin ang actor at Senador na si Ramong 'Bong' Revilla Jr. sa kanyang mga tagahanga matapos isugod sa hospital dahil sa injury sa paa.
Marami sa mga tagasuporta ni Sen. Bong Revilla ang nag-alala matapos kumalat sa social media ang video na ibinahagi ng senador na kinunan sa loob ng St. Lukes Medical Center nitong April 16, 2024.
Ang dahilan ng kanyang pagkaka-confine sa hospital ay ang dati pa niyang injury sa paa na tinatawag na Achilles Tendon.
Lalo umano itong lumalala dahil sa pagtakbo niya ng mabilis habang kinukunan nila ang kanyang comeback film na Alyas Pogi.
Buong pahayag ni Sen. Bong Revilla, "Hello, good evening. Guess where I am right now? I’m at the hospital. It’s a bit sad news but I am okay. Had an injury, my achilles tendon had a partial tear that's why I need to undergo an operation. We will know by tomorrow, so please pray for me."
"First day ko ng 'Alyas Pogi' yesterday kasama ko pa si Ara Mina and Epy Quizon but you know may mga pangyayaring minsan hindi maiiwasan, mangyayari talaga 'yon. Basta importante ipagdasal niyo na hindi po grabe. Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na bale 50% ng aking achilles ay na-tear 'yun po dahil sa pagtakbo, dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo," dagdag pa niya.
Kailangan na umano nitong operahan kung saan umaabot sa tatlo hanggang limang buwan ang pagpapagaling nito matapos ang operasyon.
Ayon naman sa anak nito na si Jolo Revilla na kasama niya sa hospital ay titingnan pa ng mga doktor ang resulta ng mga test na isinagawa sa kanyang ama kung handa na ba itong sumailalim sa operasyon.
Hiniling naman nito na isama sa mga pagdarasal ang tuluyang paggaling ng kanyang ama na si Sen. Bong Revilla.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!