Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa pagtaas ng ratings ng It's Showtime kaysa sa Eat Bulaga, noong April 6, 2024 marami ang nagsasabi na hindi pa rin nito natatapatan ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza noon sa Eat Bulaga.
Ayon sa mga loyal fans ng TVJ at Eat Bulaga, kahit natalo na ng ratings ng It's Showtime ang Eat Bulaga noong April 6, 2024 sa pilot episode nila sa GMA Network at ang birthday celebration ni Vice Ganda.
Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang naganap na unang araw ng It's Showtime sa GMA Network. Napatunayang mas pinanood ang birthday episode ni Vice Ganda kaysa sa National Barangay Day ng Eat Bulaga sa TV5.
Sa inilabas na NOTAM People Ratings ng AGB Nielsen Philippines nakakuha ng 9.7% ratings ang Kapamilya noontime show na It's Showtime mahigit kalahati ito sa nakuhang 4.4% ratings ng Eat Bulaga ng TVJ.
Ayon sa mga inilabas na data ng AGB Nielsen, nakakuha ng 6.8% ratings ang It's Showtime mula sa GMA7, nakakuha naman sila ng 1.2% mula sa GTV, 1% mula sa A2Z habang 0.7% naman sa Kapamilya Channel.
Sa kabilang banda, nakakuha naman ng 4% ang Eat Bulaga ng TVJ sa TV5, habang 0.4% naman sa RPTV.
Maging sa online viewership ay nagwagi pa rin ang It's Showtime sa Eat Bulaga. Nakakuha ng 524,294 concurrent viewers mula sa Kapamilya Online Live, IWanTFC, at Kapuso Stream. Habang mahigit 100k naman ang nakuha ng Eat Bulaga mula sa kanilang online live ng TVJ at TV5.
Wagi rin sa mga TV ads ang It's Showtime na nakakuha ng mahigit 150 ads habang nakakuha lamang ng mahigit 80 ads ang Eat Bulaga.
Sa kabila nito, marami naman ang nagsasabi na hindi pa rin natumbasan ng It's Showtime ang napakataas na ratings ng Eat Bulaga nang ilabas nila ang kanilang Sa Tamang Panahon segment.
May mga humamon pa sa It's Showtime na panatilihin ang kanilang mataas na ratings kaysa sa Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!