Vice Ganda May Napu-Pusuan Ng Maging Bagong Host Ng It's Showtime!

Lunes, Abril 8, 2024

/ by Lovely


 Darren Espanto, ibinunyag ang pagkasingle sa isang segment ng kanilang noontime show na It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, nakasama ni Darren Espanto ang kanilang Kapuso guest na si Jillian Ward sa segment na KaraOkey Kids.


Puring-puri naman ng ilang mga It's Showtime hosts ang kagandahan ni Jillian Ward na mukhang isang living doll sa angking kagandahan.


Humirit naman si Vice Ganda at tinanong si Jillian Ward kung may nobyo na ba ito, na kaagad namang sinagot ng aktres na wala pa.


Makahulugan namang tinanong ni Vice Ganda si Darren Espanto kung may girlfriend na ba siya. Nakangiti naman itong sinagot ni Darren Espanto na wala siyang girlfriend.


Kaagad namang nagtrending sina Darren Espanto at Jillian Ward sa ilang mga social media platforms dahil sa malakas nilang chemistry na dalawa.


Naglabasan naman ang mga hinalang napupusuan ni Vice Ganda na maging co-host si Jillian Ward sa It's Showtime.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong naoakaraming fans at followers ni Jillian Ward sa social media dahilan para hindi malabong kunin ito ni Vice Ganda para maging kabahagi ng at maging regular host na rin.


Marami naman ang nagsasabi na nababagay si Jillian Ward sa It's Showtime at kailangan na ring magkaroon ng bagets na hosts ang show dahil mga bagets na host naman ang kinukuha ng kabilang show na Eat Bulaga.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naiuugnay sina Darren Espanto at Cassy Leaspi sa isa't-isa subalit tila hindi sila tuluyang nagkamabutihan dahil nakikitang may ibang lalaki nang nakakadate si Cassy Legaspi.


Habang tahasan na ring inamin ni Darren Espanto ang pagiging single.



@istantalent24 Darren and Jillian, lakas ng chemistry! #darrenespanto #jillianward #itsshowtimefamily #showtimesagma #showtimesanibpwersa #kapuso #kapamilya #memevice #fyp #foryourpage #fypviral ♬ Cupid by Fifty fifty - azzzcam

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo