Vice Ganda Nagreact Sa Ginawa Ni Janella Salvador Kay Kim Chui

Miyerkules, Abril 3, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng ilang mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagbisita ng aktres na si Janella Salvador kasama ng Thai-actor na si Wen Metawin sa noontime show na It's Showtime para i-promote ang kanilang pelikulang Under Parallel Skies.


Hindi pinalampas ng maraming mga netizens ang nangyari sa pagitan nina Janella Salvador at Kim Chiu sa nasabing guesting.


Sa nangyaring episode, kasama sa mga napag-usapan nila ang pagkakaroon ng 10th anniversary concert ni Janella  Salvador kung saan masaya pang inimbitahan ni Janella Salvador ang mga madlang pipol na suportahan ang kanyang concert kung saan ipe-perform niya ng live ang kanyang panibagong kanta.


Dito na sumabat si Kim Chiu at nagrequest kay Janella Salvador ng sample sa kanyang new song para mapakinggan ng mga madlang pipol.


Hindi naman ito pinagbigyan ni Janella Salvador dahil sa kanyang pagkapaos. Sinabi pa ni Janella na sila nalang ang magsample.


Hindi naman ito nagustuhan ng maraming mga netizens lalo na't hindi man lamang umano pinatapos ni Janella si Kim Chiu na magsalita.



Ang kinairita pa ng maraming mga fans ni Kim Chiu ay ang pagsasabi ni Janella na sila na lang ang kumanta gayung hindi naman umano alam ninuman ng mga hosts sa show ang kanyang kanta.


Ayon naman sa isang netizen na sana ay maayos namang sinagot ni Janella si Kim Chiu at maayos umano na tumanggi dahil hindi naman umano ito pinilit hindi iyong pabalang na pagsagot.


Hinala naman ng maraming mga netizens na maging si Vice Ganda ay hindi rin nagustuhan ang ginawa ni Janella Salvador kaya naman sa isang segment ng show ay nagparinig ito gamit ang salitang binitiwan ni Janella Salvador.


@jaycomanangantv28 #JanellaSalvador binastos ba si #KimChiu sa #ItsShowtime ? Panuorin! #tiktok #tiktokph #tiktokphilippines #fyp #foryou #foryoupage #jaycomanangantv #gma #abscbn #EntertainmentNewsPH #newsph #tiktokentertainment #bestoftiktokph2024 #bestoftiktokph #tiktokentertainmentph #viral #kapuso #kapamilya @TikTok Entertainment PH ♬ original sound - Jayco TV

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo