Vice Ganda, Pinaringgan Ba Si Carmina Tungkol Kina Kyline at Darren Sa "We Are Family"

Miyerkules, Abril 10, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagiging guest ni Kyline Alcantara sa noontime show na It's Showtime.


Mas umingay ang pagbisitang ito ni Kyline Alcantara sa It's Showtime dahil sa pangangantyaw ng mga It's Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda kina Kyline Alcantara at Darren Espanto dahil napansin nila ang mga fans ng dalawa na ishini-ship ang kanilang loveteam.


Samantala, marami naman ang nakapansin sa tila may kahulugan ang mga palitan ng pahayag nina Kyline Alcantara at Darren Espanto nang matanong ng mga host kung bakit nakatingin si Darren Espanto kay Kyline Alcantara.


Ayon naman kay Vice Ganda, pareho naman sina Darren Espanto at Kyline Alcantara na mga performer at singer bakit hindi na lang umano sila kumanta ng We Are Family.


Kaagad namang naintindihan ng mga netizens kung bakit 'We Are Family' ang dapat na kantahin nina Kyline Alcantara at Darren Espanto.


Ayon sa ilang mga netizens, na kaya 'We Are Family' dahil may ugnayan sina Darren Espanto at Kyline Alcantara dahil kilala silang malapit sa kambal ng mga Legaspi.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging magkarelasyon noon sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Kamakailan lamang sila naghiwalay.


Samantalang, sina Darren Espanto at Cassy Legaspi ay ilang beses ring naiugnay sa isa't-isa, subalit sa nakaraang episode ng It's Showtime iginiit ni Darren na kailanman ay walang namagitan sa kanila ni Cassy Legaspi hanggang mag-bestfriend lamang umano silang dalawa.


Marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwalang hanggang magkaibigan lamang ang dalawa dahil ilang beses rin silang nakitang magkasama sa mga bakasyon at nagpapalitan pa ng mga sweet messages sa isa't-isa.


Bukod pa rito, sa kamakailang post ni Carmina Villaroel ay nag-flex siya ng larawan nilang magpamilya.


"My mind is still in 🇯🇵 Happy memories with my family," caption ni Carmina Villaroel.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo