Mainit na pinag-uusapan ngayon ang TV-host, actress na si Anne Curtis matapos lumabas ang balitang gagampanan niya ang papel ni Ko-Moon Young sa Philippine adaptation ng hit South Korean series na It's Okay Not To Be Okay na magsisilbi rin bilang comeback teleserye ng aktres sa pag-arte.
Kaagad itong sinang-ayunan ng maraming mga netizens dahil talaga namang nababagay para sa aktres ang nasabing role kung saan gaganap siya bilang children book writer na original na ginampanan ng South Korean star na si Seo Yea-ji.
Hindi na rin mahihirapan ang aktres na maging fashionista na ni-rerequire ng kanyang role dahil kaya naman ni Anne Curtis na makipagsabayan sa mga fashion icons.
Sa kabilang banda, tila hindi naman nagugustuhan ng ilang mga netizens ang aktor na ipinareha kay Anne Curtis sa Philippine adaptation ng It's Okay Not To Be Okay na gaganap sa papel ni Moon Gang-tae na gagampanan ng aktor na si Joshua Garcia.
Bagama't may mga sumang-ayon at nasiyahang nakuha ni Joshua Garcia ang role, marami rin ang napaismid at sinasabing hindi naman nababagay kay Joshua Garcia ang nasabing role.
Hindi rin napigilan ng ilang mga netizens na pagkumparahin ang mga katangian nina Joshua Garcia at highest paid Korean actor na si Kim Soo-Hyun mula sa pisikal na katangian at sa kanilang mga style sa pag-arte.
Ayon sa ilang mga netizens, bagama't parehong gwapo ang dalawang aktor subalit, tila nakakasawa naman umanong tingnan si Joshua Garcia hindi katulad ni Kim Soo-Hyun na tila palaging fresh look ang dating at hindi umano nakakaumay tingnan.
May mga nag-request pa sa ABS-CBN na kung maari ay palitan na lamang si Joshua Garcia sa Philippine adaptation dahil marami pa namang mga aktor na nababagay sa role, bukod pa rito tila nagiging overused na rin ngayon ang aktor sa sunod-sunod na proyekto nito.
May mga nagsasabi pang napaghahalataan nang may favoritism ang ABS-CBN at talagang binalik-balikan ang aktor sa pagbibigay ng mga projects.
Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang ABS-CBN hinggil sa mga kahilingan ng ilang mga netizens.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!