Albie Casino Naging Tatay Na! Non-Showbiz Girlfriend Nanganak Na US

Miyerkules, Mayo 22, 2024

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay lumipad si Albie Casiño papuntang US para bisitahin ang kanyang unang baby boy matapos manganak ang kanyang non-showbiz girlfriend kasunod ng pagtatapos ng hit series na “Can’t Buy Me Love,” ayon sa pagsisiwalat ng entertainment insider na si Ogie Diaz.


Hindi muna ibinunyag ni Ogie Diaz ang pangalan ni Albie Casiño sa kanyang showbiz oriented-vlog noong May 18, 2024 at sa halip ay tinukoy siya bilang isang "young actor" mula sa "Can't Buy Me Love." 


Ito ang nagbunsod sa kanyang mga co-host na sina Loi Villarama at Dyosa Pockoh na hulaan ang mga pangalan, bago tuluyang isiniwalat ni Ogie Diaz na si Albie Casiño nga iyon.


“Tumulak na papuntang US ang young actor para makita, mahawakan, at makarga ang kanyang unang anak. Ang kanyang baby boy kasi, ang kanyang jowa na isang foreigner ay nanganak noong April 30,” pa-blind item ni Ogie Diaz.


“After ng kanyang palabas, tumulak na siyang US para maramdaman niya ang pagiging Tatay niya. First time niyang makikita ang kanyang anak,” dagdag pa nito.


Binanggit rin ni Ogie Diaz ang naging pagkikita nila noon ni Albie Casiño, sinabi ni Ogie Diaz na nais ng aktor na mabunyag ang balitang ito patungkol sa kanyang baby boy kapag nakaalis na siya ng bansa. 


Ibinahagi rin ni Ogie Diaz ang malabong larawan ng isang natutulog na sanggol na nakahiga sa kama bilang patunay ng kanyang ibinalita.


“Proud siya ah! Sabi niya kasi sa’kin, ‘Hintayin mo muna akong makaalis, Tito Ogie.’ Nakita ko, napakagwapo. Hawig din kay Albie. Sobrang tuwang-tuwa si Albie, hindi niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya. Congratulations, Albie,” saad ni Ogie Diaz.


Matatandaang dati nang nasangkot sa isang paternity scandal si Albie matapos siyang akusahan bilang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie hanggang sa tuluyang napag-alaman na ang huli ay ang ex-boyfriend ng huli na si Jake Ejercito.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Albie Casiño patungkol sa isyung nagkaroon na siya ng anak sa kanyang non-showbiz girlfriend.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo