Hanggang ngayon ay nanatiling katanungan sa maraming mga netizens mapa-KathDen fans man o hindi ang patungkol sa totoong namamagitan sa dalawang stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Umaasa ang ilang mga netizens na aaminin na ng dalawa ang totoong namamagitan sa kanila at linawin ang bumabalot na isyu sa pagpunta ni Alden Richards sa mahahalagang okasyon nina Kathryn Bernardo at ang nakikitang closeness nila sa isa't-isa.
Malakas naman ang hinala ng maraming mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na may namumuo nang maganda sa dalawa dahil sa mga ipinapakita nilang sweetness sa mga larawan at videos.
Samantala sa isang panayam kay Alden Richards ng Preview Magazine, kung saan naitanong sa kanya ang patungkol sa kanila ni Kathryn Bernardo, iginiit niya na matapos ang pagsasama nila ng aktres sa box-office hit movie nila na 'Hello, Love, Goodbye' noong 2019 ay hindi naman nawala ang kanilang pagkakaibigan.
Hindi rin umano nawala ang kanilang komunikasyon dahilan upang maging solid ang kanilang pagkakaibigan at maging ng iba pang kasamahan nila sa nasabing pelikula.
Iginiit din ng aktor na kung ano man ang namamagitan sa kanila ngayon ni Kathryn Bernardo ay sa kanila na lamang umano muna ito sa ngayon. Nais umano ng aktor na maging pribado at personal na muna ang lahat.
“The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat. And right now, I’m just quite overwhelmed. Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” saad ni Alden Richards sa isang interview.
Hindi naman nabanggit ni Alden Richards kung magkakaroon nga ba ng part 2 ang hit-movie nila ni Kathryn Bernardo na ilang taon ring naging highest grossing film ng bansa.
Sa kabilang banda, kahit pa hindi umaamin si Alden Richards sa totoong relasyon nila ni Kathryn Bernardo positibo ang mga fans ng dalawa na naglevel up na talaga ang kanilang relasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!