Ibinunyag ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda na hiniling ng ama ni Awra Briguela na si Oneal Brian Briguela sa kanya na huwag kaagad na palayain ang aktres matapos itong magdulot ng kaguluhan sa Poblacion, Makati City, noong nakaraang taon.
Sa isang panayam, isiniwalat ni Vice Ganda na hiniling sa kanya ni Oneal Brian Briguela na hayaan si Awra na manatili sa kulungan nang mas matagal para maturuan ito ng leksyon.
Dahil dito, inilalarawan ni Vice Ganda ang ama ni Awra Briguela bilang isang ama na hindi kinukunsinti ang mga maling gawain ng kanyang mga anak.
Pagsisiwalat ni Vice Ganda, “Alam mo ang hirap-hirap sa posisyon ko noong mga panahong kinakausap ko kayong dalawa, kasi ‘yong tatay niya hindi kunsintidor na tatay. Hindi siya ‘yong tatay na lalapit sa akin para sabihing ‘Meme, ilabas mo ‘yong anak ko sa kulungan, Meme, pakiayos naman si Awra, Meme tulungan n’yo po si Awra.'”
Dagdag pa ni Vice Ganda, “Ang tatay niya iba ang atake, ang sabi niya sa akin, ‘Meme, ang pakiusap ko huwag mo muna siyang ilabas. Alam kong tutulungan mo siya, pero ‘wag mo muna siyang ilabas. Kasi gusto ko maranasan niya ‘yong hirap doon para ma-realize niya.’”
Ipinaliwanag naman ni Vice Ganda sa kanyang anak-anakan na si Awra Briguela na ang nais lamang ng ama nito ay matuto siya mula sa kanyang pagkakamali, na hindi na nito ulitin pa ang mga nagawa dahil alam na niya ang mgaiging consequences ng kanyang actions.
Matatandaan na ang nasabing insidente sa loob at labas ng bar ay muntik nang tumapos sa showbiz career ni Awra dahil makikita sa CCTV footage na inilabas ng establisimyento ang iba pang personalidad ni Awra sa likod ng camera.
Ibinunyag ni Awra na naayos na niya nang pribado ang isyu sa kabilang kampo, ngunit gayon pa man, naglabas siya ng public apology para ipakita na taos-puso siya sa kanyang paghingi ng tawad.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!