Na-kicked out sa campus at naging homeless ang 19 years old na anak na babae ni Kim Atienza na si Eliana Atienza na nag-aaral sa Unibersity of Pennsylvania pagkatapos niyang sumali sa isang on-campus na pro-Palestine encampment.
Sa isang ulat ng New York Post, isa si Eliana, sa anim na estudyante na nasuspinde sa campus noong May 9 dahil sa paglahok sa isang protest encampment laban sa Israel para sa digmaan nito laban sa Hamas kasunod ng nakamamatay na pag-atake ng terorismo.
Lumahok si Eliana sa mga hindi matagumpay na negosasyon sa pagitan ng mga administrador ng unibersidad dahil sa kanilang apela na alisin ng paaralan ang anumang financial relationship nila sa Israel.
Pumirma rin si Eliana ng isang liham bilang suporta sa "mga Palestinian na nakikipaglaban upang palayain ang kanilang mga lupain mula sa pananakop ng Israel."
Matapos mailagay sa mandatory temporary leaves na may nakabinbing imbestigasyon, nakipag-usap si Eliana sa NBC10 sa pamamagitan ng KWY radio para ibahagi na inutusan siyang “separate from the university” at mula noon ay hindi na siya nakapasok sa kanyang dorm at pinagbawalan nang pumasok sa anumang pasilidad ng paaralan.
“I don’t have any family to go back home to here,” pahayag ni Eliana sa NBC10.
“When the university fails to protect its Palestinian students, we create a freedom camp. When the university ignores us, disciplines protesters, and denies us a space to host teach-ins and movie screenings, we continue. The only threat here is the power of the people and the students we have standing behind us,” dagdag pa nito.
Ipinahayag rin ni Eliana sa isang panayam na biktima siya ng 'administrative violence' kung saan iginiit niyang ginawang weapon laban sa kanya ng kanyang paaralan ang pagiging international student.
Iginiit din niya na ang University ang dahilan kung bakit siya nagiging homeless ngayon.
“I live on campus. The university has barred me from entering. In other words, the university has made me houseless. I am also an international student. The university knows this. This is their weapon. I am so disappointed to be attending an institution that resorts to administrative violence,” pahayag ni Eliana.
Samantala, kinukuwestiyon ng mga international outlet ang pananaw ni Kim sa bagay na ito, "tinatawag siyang mayaman para alagaan ang kanyang anak na babae."
Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Kim Atienza patungkol rito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!