Andi Eigenmann Nagsalita Na Sa Tunay Na Nangyari Sa Relasyon Nila Ni Philmar Alipayo

Lunes, Mayo 6, 2024

/ by Lovely


 Nakarating kay Andi Eigenmann ang usap-usapang naghiwalay na sila ng kanyang surfer partner na si Philmar Alipayo.


Ang isyung ito ay isa lamang sa mga ibinabatong intriga kay Andi Eigenmann matapos ang pagpanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose noong nakaraang buwan ng Marso.


May mga umiintriga ngayon kay Andi Eigenmann, hinggil sa pagpapanggap umano nitong malungkot sa pagpanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose na hindi naman niya pinapansin at pinabayaan na umano niya noon.


Matatandaan na tuluyang namaalam sa mundong ibabaw ang batikang aktres na si Jaclyn Jose noong March 2, 2024 dahil sa atake sa puso.


Kamakailan lamang ay nagbakasyon sa Japan sina Andi Eigenmann kasama ang kanyang panganay na anak na si Elle at ang dalawa pa niyang anak kay Philmar Alipayo. Kasama rin nila sa kanilang pagbabakasyon ang nakakatandang kapatid ni Andi Eigenmann sa ama na si Gabbi Eigenmann at ang pamilya nito.


Dahil hindi nila nakasama si Philmar Alipayo may ilang mga netizens na nag-iisip na nagkahiwalay na sila ni Andi Eigenmann matapos aminin sa publiko ang pagpapaliban sa kanilang pagpapakasal.


Bukod sa hindi pagsama sa Japan, may mga nakapansin rin ng hindi paglike ni Andi Eigenmann sa lates Instagram post ni Philmar Alipayo kung saan ipinapakita nito ang kanyang mga pinagkakaabalahan.


Kaagad namang naglabas ng pahayag si Andi Eigenmann kung saan nilinaw niya ang totoong nangyari sa kanila ni Philmar Alipayo. Sa Instagram stories ni Andi Eigenmann inilahad niya ang kanyang pagkagulat dahil pumunta lamang umano siya sa Japan subalit ang sumalubong sa kanya pag-uwi ay ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang partner.


Iginiit din niya na tila hindi umano nagustuhan ng kanyang mga social media bashers ang paraan niya sa pagluluksa sa kanyang pumanaw na ina kaya naman kung ano-anong impormasyon na lamang ang pinapakalat.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo