Naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites ang OPM band na Orange and Lemons matapos ang biglang pag-alis nila sa stage sa gitna ng kanilang performance.
Kumakalat ngayon sa social media ang mga video sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro, kung saan makikitang naghahanda na ang bandang Orange and Lemons para mag-perform nang biglang lumabas sa stage ang aktres na si Francine Diaz para batiin ang audience matapos siyang tawagin ng host.
Hindi naman ito nagustuhan ng banda kaya naman umalis na lamang sila sa entablado dahil pakiramdam nila ay ninakaw sa kanila ni Francine Diaz ang limelight.
Makalipas ang ilang sandali, ipinahayag ng bokalista ng Orange and Lemons na si Clem Castro sa mga manonood at iba pang mga artist na aralin kung paano igalang ang ibang mga performer.
“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan ko lang sabihin ‘to… Para sa mga artist, sana naman walang sumisingit… Respeto lang ba?” pahayag ni Clem.
Ikinagulat naman ng audience ang naging pahayag na ito ni Clem dahil hindi nila inaasahan na ganoon na lamang ito ka prangka sa kanilang pagsasalita laban kay Francine Diaz.
Sa kabilang banda, may ilang mga netizens ang naniniwala na ang insidente ay dapat isisi sa host at sa mga organizers ng event at hindi kay Francine Diaz na tinawag lang naman kaya maaring hindi alam na magpeperform na pala dapat ang banda.
Ayon sa kanila, tinawag lang si Francine Diaz para magperform sa stage at may posibilidad na hindi niya alam na pinaghahandaan na ng Orange and Lemons ang kanilang pagtatanghal noong mga panahong iyon.
Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Francine Diaz at maging ang mga organizers sa event sa San Jose Occodetal Mindoro hinggil sa nangyaring sapawan incident.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!