Billy Crawford, Nagsalita Na Kung Bakit Siya Pumayat

Biyernes, Mayo 10, 2024

/ by Lovely


 Tinutugunan ng TV host at performer na si Billy Crawford ang mga haka-haka patungkol sa totoong dahilan ng labis na pagbabawas ng timbang.


Ikinabahala ng maraming mga tagahanga ni Billy Crawford ang labis na kapayatan nito nang kumalat sa social media ang kanyang mga larawan at video kung saan kapansin-pansin ang kanyang labis na pagpayat.


Marami ang naghinala na ang dahilan nito ay ang kanyang sobrang bisyo.


Sa isang panayam kay Billy Crwford, iginiit niyang malinis siya at hindi kailanman naging “user” sa buong buhay niya, hindi katulad ng ipinapahiwatig ng ilang netizens.


“A lot of people have been talking on my behalf, alleging that I’m an addict or whatever. But first of all, I think it’s unfair to tell someone what they are. I don’t do drugs… I have stopped drinking alcohol. I don’t smoke. I have no vices,” pahayag ni Billy Crawford.


“I have an addictive personality, but the Lord is always there to save me, really. There had been temptations. But with a snap of a finger, he led me away from them. Nililihis ako sa bisyo. I’m thankful for that,” pag-amin pa ni Billy Crawford.


Samantala, aminado naman si Billy Crawford na sa loob ng anim na taon ay naging manginginom siya na nagresulta sa pagtaas ng timbang.



Gayunpaman, sinabi ni Billy na nagsimula nang dahan-dahang bumaba ang kanyang timbang pagkatapos niyang magsimulang magkaroon ng healthy lifestyle.


Muli ding iginiit ni Billy Crawford na malusog siya at walang iniindang anumang sakit sa ngayon dahilan para huwag nang mabahala ang mga netizens at mga taong nagmamahal sa kanya.


“I’m 148 lbs. I feel healthy and I feel good. I don’t necessarily exercise tremendously, but I eat right, drink enough water. And maybe my child is just heavy! It can get tiring. I used to do intermittent fasting and tried keto diet. Now I’m super healthy and can’t ask for more,” saad ni Billy.


Nauna nang naglabas ng pahayag ang asawa ni Billy Crawford na si Coleen Garcia kung saan pinasinungalingan rin niya ang mga haka-hakang mayroong bisyo si Billy Crawford o ang pagkakaroon nito ng malubhang karamdaman.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo