Ibinahagi ni Camille Prats-Yambao ang kanyang karanasan sa dinaluhan nilang ‘purity ball’ noong Sabado kasama ang kanyang anak na si Nathan Prats.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Camille ang pangako ni Nathan na mananatiling ‘pure’ bago magpakasal upang sundin ang mga itinuturong aral ng kanilang Simbahan.
Bilang bahagi ng kanyang mga panata, sinuot ni Nathan ang isang 'purity ring' bilang simbolo ng kanyang pangako na umiwas sa pisikal at mental na pakikipagtalik.
Pagbabahagi ni Camille Prats, “Grateful for tonight’s meaningful event! We made a vow together as mom and son to stay pure until he finds the one whom he wants to bring to God to spend the rest of his life with.”
“Nate, i pray that God will impress it upon your heart the importance of staying pure in obedience to Him for as we say, obedience brings… blessings. May your heart be blessed and be aligned to God’s will for your life.
Love you forever boys,” dagdag pa niya.
Ang post ni Camille ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at nagbunsod ng talakayan kung dapat pa bang isagawa ang abstinence practice ngayon.
Narito ang ilang komento ng mga netizens sa post ni Camille Prats.
"I thought these ceremonies are just for girls, so glad na even sa boys ay meron dapat. Praise God!"
"Proverbs 22:6 KJV: Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it."
"Didn't know there are these ceremonies. Church? As Christian parents we really want to raise our kids in this light."
“Hopefully gusto talaga ng anak nya yan kasi baka dumating ang araw na pag awayan nila yan tapos pinublic pa internet is forever pa naman.”
“This is mind-conditioning. Before age of 18, fine. But not when the son is of legal age and can decide what he does for his body, then there will be shame when public sees the ring missing.”
May mga nagsasabi rin na hindi naman nasasamahan ni Camille Prats ang kanyang anak 24/7 kaya hindi niya malalaman kung tinutupad nga ba nito ang kanyang panata.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!