Coleen Garcia Nagsalita Na Sa Isyung Hiwalayan Nang Mister Na Si Billy Crawford

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang aktres na si Coleen Garcia upang mabigyang linaw ang mga isyung kumakalat sa social media patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Billy Crawford.


Pinabulaanan ni Coleen Garcia ang mga tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Billy Crawford na mainit na pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms at ilang entertainment news sites.


Matatandaan na ilang netizens ang naghinalang naghiwalay na ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia matapos mag-viral sa social media ang video ni Billy habang kumakain kung saan kapansin-pansin ang payat nitong hitsura.


Naghinala ang ilang mga netizens na ang dahilan ng labis na pagpayat ay marital problems nila ni Coleen Garcia.


Gayunpaman, naniniwala si Coleen na may iba pang dahilan kung bakit nagsimulang kumalat ang ganoong tsismis sa social media.


Naniniwala si Coleen Garcia na maaaring napansin na ng mga netizens na hindi na sila aktibo sa social media kumpara sa dati.


“Baka kasi tahimik kami. I mean, I tried to be more active on social media because it has become the extension of my job like a lot of work I get nowadays is from social media talaga. We’re moving houses and Billy has new businesses,” pahayag ni Coleen.



“Siguro kasi hindi kami nagpaparamdam online? Ever since we got married, walang naging mabigat na kasalanan sa’kin si Billy,” dagdag pa ng aktres.


Ipinunto rin ni Coleen na labis na naging abala si Billy Crawford sa pagpoprovide sa kanilang pamilya.


Matatandaang nagbigay na rin ng pahayag noon si Billy sa kanyang payat na hitsura kung saan idinahilan niya na ang pagbabago ng kanyang dieta ang dahilan kung bakit siya pumayat.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo