Ikinabahala ngayon ng maraming mga fans ng actor-dancer na si Billy Crawford ang kapansin-pansing pagpayat nito. Kung saan makikitang humpak na ang pisngi ng performer.
Napansin ito ng maraming mga netizens nang kumalat ang video at larawan n Billy Crawford habang umiinom sa kanyang tumbler kasama ang anak nila ni Coleen Garcia na si Amari.
Marami ang nakapansin na bukod sa kapansin-pansing kapayatan ni Billy Crawford, namumugto rin ang mga mata nito at mayroong maitim na eyebags.
Nagmukha rin umano itong haggard at tila pagod na pagod.
Marami ang nag-alala sa kallagayan ng kalusugan nito at nagtatanong kung mayroon ba itong iniindang sakit na hindi inaamain sa publiko.
Samantala, kaagad namang naglabas ng kasagutan ang asawa ni Billy Crawford na si Coleen Garcia at sinagot ang isyung mayroong sakit ang kanyang asawa.
Iginiit ni Coleen Garcia na ganoon lamang talaga ang mukha ni Billy Crawford kapag walang make up.
“I don’t know if you’ve ever seen him before without makeup. But long before we even started dating, he’s always had dark under eye circles and major hair loss na,” pahayag ni Coleen Garcia.
“I wish we had photos from 10 years ago to show na he’s always had those dark circles and matagal na siyang walang hair,” dagdag pa ni Coleen Garcia.
Siniguro naman ni Coleen Garcia na maayos ang kalagayan ni Billy Crawford at wala umano itong iniindang karamdaman.
Gayunpaman, inamin ni Coleen Garcia na medyo ngarag ngayon si Billy Crawford dala ng kanilang busy schedule.
“Medyo ngarag lang cause we’ve both been working more than usual while balancing a lot of things. Lalo na si Billy. He’s out of town now overnight lang, but he just came from France for a month, then he’s leaving for the US next week. He’ll mostly be in France again for the remainder of the year, ang daming travels,” pahayag ni Coleen Garcia.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!