Hindi napigilan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na tanungin ang asawa ni Angeline Quinto,na si Nonrev Daquino kung may kakayahan ba itong suportahan ang lahat ng kanyang mga anak.
Sa kamakailang episode ng kanyang programang “Cristy Ferminute,” sinabi ni Cristy na may ilang netizens din ang nagtatanong, na sinabing may tatlong anak si Nonrev mula sa magkaibang partner bago ang anak nito kay Angeline Quinto.
“Si Nonrev Daquina binabash-bash ngayon. Dahil ‘di ba nagpakasal na nga sila ni Angeline Quinto. Ano raw mangyayari kay Angeline e lima na ang anak ngayon nitong si Nonrev kasi may anak na siya sa una? Puro babae,” pahayag ni Cristy Fermin.
“Siyempre hindi naman po maiaalis sa atin na mag-isip kung ilan na ang anak niya, saan nga naman ba kukuha ng pangsustento ngayon si Nonrev? E, wala naman tayong napapabalitang negosyo niya,” dagdag naman ng kanyang co-host na si Romel Chika.
Naniniwala si Cristy Fermin na titigil lamang ang mga tao sa pag-iisip kung makikitang nagtatrabaho si Nonrev para sa kanyang pamilya.
Nagbigay din siya ng payo sa asawa ni Angeline Quinto na magtayo ng negosyo para mas maalagaan at masusustentuhan niya ng mas maayos ang kanyang mga anak hindi lamang kay Angeline Quinto kundi sa dalawang babae na naging partner niya noon.
“Dapat dahil siya ang ama ng tahanan dapat siya ‘yung nakikita ng publiko na nagtatrabaho talaga para hindi sinasabi na umaasa lang siya kay Angeline Quinto. Nakakalungkot naman ‘yang ganyan. Kaya ngayon, binabash-bash siya,” saad ni Cristy Fermin.
Nauna nang nilinaw ni Angeline Quinto ang patungkol sa isyung siya ang sumusuporta sa binubuong pamilya nila ni Nonrev Daquina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!