Cristy Fermin Sinumbat Ang Naitulong Niya Kay Bea Alonzo Dahil Sa Pagsampa Ng Kaso Laban Sa Kanya!

Martes, Mayo 7, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng saloobing ang kilala at batiking showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa isinampang kaso laban sa kanila ng kanyang kapwa kapwa columnist ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Sa kamakailang episode ng programa ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika, naisiwalat ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin patungkol sa kinakaharap na kaso na isinampa ni Bea Alonzo.


Ayon sa naging talakayan nila ni Romel Chika, hindi pa naman umano siya nakakatanggap ng subpoena kaya naman hindi niya alam kung ano ang inirereklamo ni Bea Alonzo sa kanila kaya naman pinipili niyang huwag na munang maglabas ng pahayag sa mga taong nagtatanong sa kanya patungkol rito.



Ipinahayag rin ni Cristy Fermin na totoong may karapatan si Bea Alonzo o kahit na sinong mga artista na masampa ng kaso laban sa mga katulad nilang myembro ng media o mga news reporters subalit, napakalayo pa umano ang tatakbuhin ng kasong ito dahil magpapalitan pa sila ng mga sinumpaang salaysay at ang prosecutor's office na lamang ang bahala sa kanila.


Ang prosecitor umano ang siyang magbibigay ng desisyon kunmg sino ang tama at mali sa kanilang mga sangkot sa kaso.


Samantala, inihayag ni Cristy Fermin na hinding-hindi niya matatanggap ang isiniwalat ng panig ni Bea Alonzo kung saan sinabi nitong pinagkakakitaan nila ni Ogie Diaz sa kani-kanilang mga programa si Bea Alonzo.


Iginiit ni Cristy Fermin na hindi lamang naman si Bea Alonzo ang pinag-uusapan nila sa kani-kanilang mga show kundi ang lahat ng mga public figures sa bansa.


Tila isinumbat rin ni Cristy Fermin ang mga panahon na ipinagtatanggol niya si Bea Alonzo sa mga pinagdadaanan nitong isyu noon kung saan pinroteksyunan umano niya ang pangalan ng aktres, ipinagtanggol at kinalaban niya ang lahat para lamang mabigyan ng magandang opinyon ang aktres.


Subalit, ngayon ay ganoon na lamang kadali para rito na idemanda siya.


Narito ang pahayag ni Cristy.


“Ako po ang nagbigay ng proteksyon sa kanya, ako po ang nagtanggol. Kinalaban ko ang lahat para lang mabigyan ko siya ng magandang pagtalakay at opinion.”


“Sa dinamidami po ba ng magagandang nagawa sa buhay na ito na tayo’y namumuhunan ng ating pangalan, ating kredibilidad, ang ating opinion at maaring sabihing nakagaganda sa isang personalidad, ‘yun pong lahat ng ‘yun kapag siya po ba ay nakarinig ng isang bahay na hindi niya gusto at masama sa kanyang panlasa, lahat po ba ng magandang ginawa tungkol sa kanya ng taong nagtanggol sa kanya sa pinakamahabang panahon ay ibabasura na lamang?”


Dagdag pa niya, “Sana po bigyan natin ng pagpapahalaga ‘yung mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal at dapat intindihin ninyo ang aming propesyon dahil kami po ay tagapagtawid at tagalatag ng mga balita, hindi maari na ang gusto n’yo lang ang aming sabihin."


“Kayo po ay public figures kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium sabi ko nga at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium ang publiko po ay nakatanaw sa inyo bawa’t galaw ninyo, bawat ikot n’yo, marami pong nakatanaw, wala kayong maaring ligtasan (dahil) public figure kayo huwag masyadong balat sibuyas, pero ‘yung karapatan mo Bea Alonzo para magsampa ng kaso laban sa amin ni Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama ‘yan ay hindi naming hinaharangan."


“Sabi nga kayo ang nagdemanda, ikaw Bea ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz at sa aming mga kasama ano ang ating mga sinasabi, we will see you in court.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo