Muling nagbigay ng pahayag si Danica Sotto sa mga nang-iintriga sa kanilang relasyon ng kanyang asawa na si Marc Pingris matapos itong iugnay sa aktres na si Kim Rodriguez.
Inamin ni Danica Sotto na hindi niya naiiwasang makaramdam ng pagkapikon sa kumalat na intriga patungkol sa pambababae umano ng kanyang asawa na si Marc Pingris.
Sa kamakailang panayam kay Danica Sotto sa podcast na Updated with Nelson Canlas, ipinahayag ni Danica Sotto na nakapag-move on na sila ni si Marc Pingris sa isyu pero mayroon siyang nais na linawin sa pinagdaanang isyu.
Matatandaan na noong kainitan ng isyu patungkol sa pambababae ni Marc Pingris, nagbahagi ng isang quote patungkol sa betrayal at loyalty si Danica Sotto sa kanyang Instagram stories.
Kaya naman sa nasabing panayam kay Danica Sotto, nilinaw niya kung sino ang pinatutungkulan sa kanyang post.
Ayon kay Danica Sotto, minsan ay nagbabahagi talaga siya ng mga cryptic posts sa kanyang social media accounts kahit wala naman siyang pinapatungkulan subalit sa pagkakataon na iyon ay inamin niyang mayroong pinatutungkulan sa kanyang post subalit ibang tao ito na may kauganayan sa kanilang negosyo. Pinagkakatiwalaan umano nila ito ng labis kaya naman labis silang nadismaya sa ginawa nito.
“I post because I like the quote or sometimes, noong time na iyon, aaminin ko, it was a feeling that I was feeling about someone else, na parang napipikon ako sa isang tao. And that is a person na nangloko sa amin sa negosyo. A person we truly trusted,” pagpapaliwanag ni Danica Sotto.
Inamin rin niya na hanggang ngayon ay pinagdadaanan pa rin nila ang sinasabing pagsubok sa negosyo.
“This tabloid, ang ginawa, kinuha ‘yung quote ko na ‘yun. Sinabi na I'm confirming daw the issue kasi pinapatamaan ko daw si Marc. Pero hindi na ako nagsalita,” sabi pa ni Danica.
Dahil sa naglabasang mga isyu, sinabi ni Danica Sotto na nag-usap sila ni Marc at nagkasundo na hindi na mag-post ng tungkol sa mga quote na maaaring maging iba ang pagkakaunawa ng mga netizens at gawan na naman ng isyu.
“So, parang doon pumasok 'yung communication namin na usap. Tapos ako naman sa side ko, pinagsabihan ko lang siya na, ingat sa mga nakakasama, ingat sa mga pinupuntahan. Minsan kasi, sa'yo wala lang ‘yun, you're too friendly or—hindi friendly, accommodating. Diba? ‘Yung parang, oh, ito chika-chika. Ganoon naman mga basketball player e,” pahayag ni Danica Sotto.
Sa kabila ng nararamdaman niyang pagkapikon inamin rin niya na minsan ay natatawa na lamang siya dahil sa galing ng ibang tao na gumawa ng kwento laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!