Hinatulan na ng habang buhay na pagkakabilanggo sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at ilan pang mga kasangkot sa kasong serious illegal detention na isinampa sa kanila ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.
Nitong hwebes May 2, 2024, binasa na sa korte ang hatol kina Deniec Cornejo, Cedric Lee at iba pang kasamahan nila na sina Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero.
Ipinag-utos na rin ng korte ang pag-aresto sa mga nasabing akusado para harapin nila ang kanilang parusang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo.
Kinansela rin ng korte ang inihain nilang bail bond. Gayunpaman, maari naman umano silang mag-apela upang baguhin ang desisyon ng korte.
Matatandaan na sampung taon na ang nakakalipas matapos ang insidenteng pambubugbog, paggapos, pananakot at pag-detain kay Vhong Navarro sa loob ng condo unit ni Deniece Cornejo.
Naganap ang nasabing insidente noong January 22, 2014 sa Taguig City.
Ang balitang ito ay kinumpirma mismo ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga kung saan inilahad niya ang inisyung court order laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.
Isiniwalat din ng abogado ni Vhong Navarro na hindi nagpakita sa korte sina Cedric Lee at Deniece Cornejo noong ihayag ng korte ang 'promulgated of judegement' para sa kanila.
Ipinag-utos na rin ng korte ang agarang pag-isyu ng warrant of arrest laban kay Cedric Lee.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nahatulan ng guilty sina Deniece Cornejo at Cedric Lee dahil noong July 2018 ay nahatulan din silang guilty sa kasong grave coercion na isinampa rin ni Vhong Navarro.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!