Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang internet sensation na si Diwata matapos magpunta sa Pinoy Pawnstar ni Boss Toyo para ibenta ang kanyang kauna-unahang kaldero na ginamit niya sa kanyang Paresan business.
Nakakuha si Boss Toyo ng isa pang magandang collectible matapos ibenta ng internet sensation na si Deo Balbuena, na mas kilala sa tawag na Diwata, ang kauna-unahang cooking pot na ginamit niya sa kanyang negosyong Paresan.
Itinampok sa isa sa mga episode ng “Pinoy Pawstar,” ang pagbisita ni Diwata sa shop ni Boss Toyo para ialok ang ginamit niyang kaldero bago sumikat sa social media ang kanyang Paresan Business.
sinalaysay din ni Diwata kung paano niya napagdesisyunan na itayo ang kanyang negosyong Paresan sa kahabaan ng Roxas Boulevard, kung saan siya nanirahan bilang isang palaboy noon.
Nais ni Diwata na ibenta ang kanyang kaldero sa halagang 3,500 pesos, ngunit sinubukan itong tawaran ni Boss Toyo sa presyong P3,000.
Nilagdaan pa ni Diwata ang nasabing kaldero upang patunayan ang pagiging tunay nito at para na rin tumaas ang halaga nito.
Bukod pa rito, inalok pa ni Diwata ang kanyang mga flip-flops bilang freebie ng kaldero, subalit hindi ito tinanggap ni Boss Toyo.
Sa huli ay binili rin ni Boss Toyo ang ibinebentang kaldero ni Diwata na nagkaroon na ng butas dahil ito ang kanyang unang ginagamit sa kanyang Paresan Business.
Binalak ni Boss Toyo na i-display ang kaldero ni Diwata sa kanyang magiging museo, na tungkol sa Philippine pop culture, para ma-immortalize ang legacy ng Diwata na nagbago ang buhay mula sa pagiging palaboy sa pagiging negosyante.
“Yung buhay niya galing sa hirap, umangat ‘yung buhay. Yun ang ginagawa ni Pinoy Pawnstars, ang maipaalala sa lahat ng henerasyon at mananatili tayong institusyon,” pahayag ni Boss Toyo.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!