Diwata, Tinawag Na Laos Si Mystica, Hindi Niya Kilala!

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay ng tugon ang internet sensation na si Diwata laban sa social media influencer na Mystica matapos nitong punahin ang internet sensation dahil umano sa hindi pagpansin sa kanyang mga fans at hindi pag-practice ng sanitation sa kanyang negosyong Paresan.


Ilang araw na ang lumipas nang punahin ni Mystica ang attitude ni Diwata sa kanyang mga costumers at sa mga mga maliliit na vlogger. Kinumpara ito ni Mystica sa attitude ni Diwata kapag kaharap naman nito ang mga sikat na vloggers at celebrities na nagbibigay sa kanya ng mga reklamo.


Ayon kay Mystica, tila nandidiri na umano ngayon si Diwata sa mga taong nagpapa-picture sa kanya na makikita naman umano sa mga online videos na kumakalat.


Napansin din ni Mystica ang kaibahan ng pagtrato ni Diwata sa mga taong bumibili ng kanyang pares na humihingi ng picture kaysa sa mag taong nagbibigay sa kanya ng mga regalo.


Samantala sa video na ibinahagi ng isang vlogger hindi nagdalawang isip si Diwata at tila pinagtawanan niya lamang si Mystica dahil sa irrelevance nito ngayon dahil laos na.


“Sinong Pistika? Laos na siya. Hayaan mo siya, hindi naman siya importante sa buhay ko. Ang importante sa akin business ko,” pahayag ni Diwata.


Matatandaang sumikat si Mystica noong 2000s, kung saan binansagan siya ng industriya ng showbiz bilang ‘split queen.’


Naglaho ang kasikatan ng aktres nang masangkot siya sa mga kontrobersiya hanggang sa hindi na siya lumabas sa mga pelikula at teleserye.


Sa ngayon ay nakabase si Mystica sa United States at nagtatrabaho sa food industriya. Muling naging active si Mystica sa social media upang makipag-interact sa kanyang mga tagahanga.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo