Mainit na pinag-uusapan ngyon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang patuloy na pagbababa ng rating ng TVJ Production show na Eat Bulaga na kasalukuyang umiere sa TV5 at sa RPTV.
Kamakailan lamang ay nakakuha ng pinakamababang ratings ang Eat Bulaga, nang makapatala lamang ito ng 3.5 ratings habang ang It's Showtime na umiiere na rin ngayon sa GMA7 ay naging consistent ang ratings sa pagitan ng 7-8%.
Gayunpaman, iginiit ng ilang mga host ng Eat Bulaga at maging ng kanilang mga tagasubaybay na hindi pa rin naman nabo-bother ang TVJ sa pagtaas ng ratings ng It's Showtime dahil alam naman umano nila kung gaano kahina ang reach ng TV5 maging ang reach ng RPTV.
Hindi umano ito kagaya sa It's Showtime na umiiere sa mas maraming channels na mayroong matataas na reach.
Ayon pa sa ilang mga netizens, na kung ikukumpara naman ang ratings ng Eat Bulaga na nakukuha ngayon sa naging ratings ng It's Showtime noong nasa TV5 pa sila ay hindi naman hamak na mas malaki ang nakukuha ngayon ng Eat Bulaga.
Bilang patunay nito ay minsanan ay taped episode ang kanilang ipinalalabas. Patunay lamang umano ito na hindi sila nakikipagkompetensya sa It's Showtime.
Nagrereact lamang umano sila kapag mayroon nang ipinapakalat na mga fake news ang ilang mga netizens patungkol sa kanilang programa.
Matatandaan na nakalipat na sa GMA7 ang Kapamilya noontime show na It's Showtime matapos tuluyang magsara ang Tahanang Pinakamasaya ilang linggo na ang nakakalipas.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!