Finally, May Good News Na Sa Kalagayan Ni Kris Aquino Sa Amerika

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Tuwang-tuwa ang maraming mga tagahanga ng Queen Of All Media na patuloy na humihiling na maging maayos na ang kalagayan nito ngayon habang patuloy na na nagpapagamot sa Amerika nang magbahagi ang isang columnist ng panibagong update patungkol sa kasalukuyang kalagayan nito.


Ayon kay Dindo Balares, good news ito para sa mga taong patuloy na humihiling na muling manumbalik ang lakas ni Kris Aquino.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang update ang kilalang kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares, kung saan isiniwalat niya ang mga napag-usapan nila.


Sa nasabing post ni Dindo Balares, hiniling sa kanya ni Kris Aquino na iparating ang pasasalamat nito sa lahat ng mga taong patuloy na humihiling na maging maayos na ang kanyang kalagayan.


Narito ang pagbabahagi ni Dindo Balares mula sa kanyang Instagram post.


"Can you please thank everyone praying for me?"


Biglang change gear na sabi ni Krisy @krisaquino habang pinag-uusapan namin kanina ang findings ng kanyang cardiologist.


"There’s a problem with my heart, Kuya Dindo - genetics. Very high cholesterol and triglycerides that at this point can’t be treated because I am underweight (91 lbs)," unang balita niya.


Biniro ko siya, "Palit tayo ng heart."


Kung minsan, ganito kaming dalawa. 'Pag seryoso ang isa, pinagagaan naman ng isa pa ang usapan.


"My BP (blood pressure) is misbehaving - I am normally 145/122 with heartrate of 110-130. It’s the diastolic & heart rate na scary," sabi pa ni Krisy.


"Lokong BP 'yan, mana sa ating dalawa."


Aakalain siyempre ng iba na sutil at hindi ako matinong kausap, pero sa ganitong way kami mas mabilis magkaintindihan.


Backgrounder: Amused o napapabungisngis kami ni Krisy 'pag may common friend o kakilala kami na sinasabihan siyang pasaway daw ako, matigas ang ulo ko o misbehaving ako. Kasi ang punchline niya: "That's why magkasundo kami."


At biglang lipat nga siya ng topic.


"Kuya Dindo let’s focus on this. My autoimmune is finally responding to the methotrexate (my chemotherapy). Finally! And the good air quality in Newport Coast," positibong balita niya.


"Can you please thank everyone praying for me?" dagdag niya.


"Sure, siyempre!" sagot ko. At nag-double check kung puwede kong ilabas ang details.


"Magaling talaga the combination of medicine I’m being given. It’s just that after the Methotrexate & Dupixent I am super bagsak for four days. UCLA (University of California, Los Angeles) is very impressive.


"We don’t have Dupixent at home."


"God's grace na pinapunta ka Niya d'yan, Krisy," sabi ko.


"Matagal pa our reunion."


I can always wait, wika ko.


"I miss my sisters so much."


Alam natin pareho, Krisy na ganoon din sila sa iyo.


"Time for my meds. Yes, Kuya Dindo please thank everyone praying."


At muli siyang naglambing ng patuloy na panalangin para sa kanyang kalusugan.


Muli, maraming-maraming salamat po sa prayers, pagmamahal at malasakit para kay Krisy."


Bagama't nagrerespond na ang autoimmune condition ni Kris Aquino sa chemotherapy ay patuloy pa rin itong mananatili sa Amerika dahil karamihan sa mga gamot nito ay hindi pa available sa Pilipinas.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo