Patuloy na sinasalba ng It's Showtime ang noontime timeslot ng GMA7 magmula nang lumipat sila sa nasabing channel ilang buwan na ang nakakalipas.
Sa katunayan, mismong ang Vice President ng GMA network na si Gilberto R. Duavit Jr. ang nag-acknowledge sa It's Showtime.
Ayon sa Presidente ng GMA Network, hindi maitatanggi ang malaking improvements ng ratings magmula ng imire ang It's Showtime sa kanilang noontime timeslot kumpara sa pinalitan nitong show na Tahanang Pinakamasaya.
Matatandaan na hindi matalo-talo ng noontime show na ipinrudyus ng TAPE Inc. na Eat Bulaga, kalaunan ay Tahanang Pinakamasaya ang legendary trio na umiere sa katapat na network.
Magmula nang mapanood sa GMA7 ang It's Showtime mula noong April 6, 2024 ay nagiging number 1 na ito sa ratings at naungusan na ang Eat Bulaga ng TVJ mula lunes hanggang sabado.
Mas malaki rin umano ang napapasok na sales ng It's Showtime sa nasabing network sa pamamagitan ng mga TV ads.
Sa kabilang banda, patuloy namang naninindigan ang TVJ at iba pang mga Dabarkads na hindi sila apektado sa pagtaas ng ratings ng It's Showtime ngayon dahil expected na umano nila ito dahil sa rami ng mga channels kung saan ito umiire.
Bukod pa rito, mas malaki pa rin naman umano ang nakukuha nilang ratings ngayons sa TV5 kung ikukumpara sa ratings na dating natatanggap ng It's Showtime noong umiire ito sa TV5.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!