Janine Gutierrez Sayang Ang Kagandahan Kung Walang Lalaki Na Magseryoso

Huwebes, Mayo 9, 2024

/ by Lovely


 Hindi maitatanggi na isa ang Kapamilya actress na si Janine Guiterrez sa may pinakamagandang mukha sa Philippines Entertainment Industry subalit, marami ang mga nang-iintriga ngayon sa aktres dahil sa kabila ng kanyang angking kagandahan ay wala umanong lalaki na sumeryoso sa kanya.


Bukod sa pagiging maganda si Janine Gutierrez ay maituturing na isa sa mga magagaling na artista sa kanyang henerasyon at nakatanggap ng maraming mga parangal isang Best Actress winner sa 68th FAMAS Awards,Gawad Urian Awards at QCinema International Film Festival.


Noong 2021, kinilala siya ng 'Rising Star Asia Award' sa 20th New York Asian Film Festival. Nang sumunod na taon, si Janine Gutierrez ay napabaling sa '100 Most Beautiful Faces in the World' ng TC Candler. Kung saan siya ay ika-51 sa listahan.


Kabilang sa mga lalaking nailink at nakarelasyon ni Janine Guiterrez ay sina Mark Herras, Elmo Magalona, Rayver Cruz at Paulo Avelino.


Subalit, napansin ng mga netizens na hindi tumagal ng mahigit limang taon ang relasyon ng mga ito at biglaan na lamang silang naghihiwalay.


Tanong tuloy ng maraming mga nang-iintriga sa aktres, ano ang dahilan kung bakit walang lalaki na sumiseryoso sa aktres. Tila bigla na lamang umanong nawawalan ng gana ang mga ito kay Janine Gutierrez gayung kilala naman ang aktres bilang maganda at mabait.


Sa kabilang bansa, marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang nagsasabi na baka ay hindi pa lamang natatagpuan ni Janine Gutierrez ang lalaking para sa kanya.


Lalaking handa siyang tanggapin anuman ang kanyang buong pagkatao at kung ano man ang kanyang mga pinagdaanan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo