Ikinagulat ng maraming mga netizens at kinukwestyon ang pagkapanalo ni Chelsea Manalo ng Bulacan sa pestigious pageant na Miss Universe Philippines 2024 nitong myerkules ng gabi May 22, 2024.
Maituturing na 'dark horse' si Chelsea Manalo sa naturang pageant dahil hindi naman naging matunog ang kanyang pangalan kumpara sa mga fan favorites na sina Ahtisa Manalo at Alexie Brooks.
Matatandaan na unang sumali sa national pageantry si Chelsea Manalo noong 2017 sa Miss World Philippines kung saan umabot siya sa top 15.
Muling sumubok na makasungkit ng korona ang American-Filipina beauty queen noong 2021 sa Miss Universe Philippines kung saan si Beatrice Luigi Gomez ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2021.
Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga pageant fans na kwestyunin ang pagkapanalo ni Chelsea Manalo subalit hindi naman maipagkakaila na marami rin ang nagsasabing deserve naman nito ang mabigyan ng chance na mairepresent ang Pilipinas.
Marami rin ang nagsasabing magaling naman ang pagrampa nito at maganda rin ang pagkakadeliver nito sa kanyang sagot sa Question and Answer portion.
May mga nagsasabi rin na talagang hindi niluto ang labanan dahil kung luto umano ito ay tiyak na ang mga sikat at frontrunners ang mananalo.
May mga pumuri rin sa mga naging judges ng Miss Universe Philippines 2024 dahil sa pagiging fair nila at hindi umano sila nabulag sa kasikatan ng ibang mga contestants.
Subalit, may mga humirit pa rin na baka nagkamali ang mga judges sa napiling kandidata dahil da pagkakapareho ng last name.
Gayunpaman, nagtapos na ang kompetisyon kaya naman mas maiging suportahan na lamang ng lahat ng mga Pilipino ang nanalong kandidata na siyang kakatawan sa Pilipinas sa darating na Miss Universe 2024 pageant.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!