Ikinagulat ng maraming mga netizens nang mapansin nilang tinanggal ang mukha ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa bagong edit ng digital poster ng Star Magic All-Star Games 2024 na ibinahagi sa official social media account nitong lunes ng gabi May 6, 2024.
Kung matatandaan na palaging nasa prominente ang mukha ng aktor na si Daniel Padilla sa mga digital posters ng Star Magic All-Star Games. Palagi umanong nakaangat ang mukha ng aktor kaysa sa kanyang mga kasabayan na sina Donny Pangilinan, Ronnie Alonte at Zanjoe Marudo.
Mas malaki rin umano ang mukha ng aktor kumpara sa mga stars na nakakasama niya sa nasabing digital poster. Subalit, sa pinakabagong poster ng Star Magic ay kapansin-pansin na hindi na nakasama rito si Daniel Padilla at si Zanjoe Marudo.
Naging malaking palaisipan naman ito sa mga fans kung bakit biglang tinanggal ang ilan sa poster.
May mga netizen naman nagsasabing tila hindi maglalaro sa season na ito sina Zanjoe Marudo at Daniel Padilla. May mga naghinala pang may gagawing proyekto ang aktor kaya naman wala na umano itong oras pang maglaro ng basketball.
Sa kabilang banda, may mga netizens pa rin na pilit na iniuugnay kay Kathryn Bernardo ang isyung ito. Ayon sa ilang mga haka-haka ng mga netizens ay nawalan na umano ng gana si Daniel Padilla na maglaro dahil hindi na sila ni Kathryn Bernardo.
May mga nagsasabi naman na tila may kinalaman sa mga natatanggap na pambabatikos ni Daniel Padilla mula sa mga fans ng aktor ang dahilan kung bakit pinipili na lamang nito na palipasin ang Star Magic All-Star Games 2024.
Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Daniel Padilla patungkol sa isyung hindi siya maglalaro sa All-Star games ngayong taon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!