Karla Estrada Umamin Sa Ginawa Ni Daniel Padilla Kay Kathryn Bernardo!

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Inamin ng celebrity mom na si Karla Estrada na totoong may nagawang mali ang kanyang anak na si Daniel Padilla sa dating girlfriend nito na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang pinaghihinalaang dahilan ng paghihiwalay ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ang pambababae ni Daniel Padilla ng ilang beses sa likod ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo.


Matapos ang pagkumpirma ni Kathryn Bernardo ng kanilang paghihiwalay ni Daniel Padilla ay nagsilabasan na ang mga resibo at isyu ng pambababae ni Daniel Padilla, mismo pang malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo ang nagsiwalat nito.


Gayunpaman, nanatiling tahimik si Daniel Padilla at hindi man lamang nagbigay ng anumang pahayag o humingi ng public apology si Daniel Padilla.


Sa kamakailang panayam kay Karla Estrada, inamin nito na may kamalian si Daniel Padilla. Gayunpaman, ipinahayag niyang kahit anong nangyari ay ilalaban at poprotekahan pa rin niya ang kanyang mga anak, kabilang na ang aktor na si Daniel Padilla.


Ayon kay Karla Estrada, lahat naman ng tao ay makakagawa talaga ng mga kamalian ang mahalaga ay natututo mula rito at humihingi ng tawad sa lahat ng mga nagawang kamalian.


Bagama't wala namang sinabi si Karla Estrada kung ano ang kamaliang nagawa ni Daniel Padilla, marami ang nagsasabing tila pag-amin na ito sa mga nagawang mali ni Daniel sa kanyang dating nobya na si Kathryn Bernardo.


Ayon kay Karla Estrada, patuloy niyang hinihiling ang ikakabuti ni Daniel Padilla subalit ang tanging nakakaalam ng kalagayan ng kanyang anak na si Daniel ay ito lamang.


Gayunpaman, nais niyang ipabatid sa lahat ng kanyang mga anak na naroon lamang siya at handang umagapay sa kanyang mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo